PANG-LABING-TATLO

4K 137 14
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Richard, bumungad sa kanya ang hubad na makisig na katawan ni Sebastian. Kita rin niya, na ang dibdib ng huli ang kanyang ginawang unan, habang nakadantay naman ang isa niyang braso sa tiyan ni Sebastian. Sa nakitang ayos ay biglang nakaramdam ng hiya si Richard, kaya naman naisipan niyang bumangon na kaagad, bago pa magising ang katabi nito. Pero ang tangkang paghiwalay ni Richard sa katawan ni Baste ay hindi nito nagawa, bago pa kasi iyon mangyari, naramdaman nito ang braso ng huli na humigpit ang hawak sa kanyang katawan.

"Chard maaga pa, matulog pa tayo." mahinang saad ni Sebastian sabay hagkan nito sa ulo ng una.

Ramdam ni Richard ang ginawang paghalik na iyon ni Baste sa kanyang ulo at inaamin niya na isang damdamin ang naramdaman niya sa mga oras na iyon. At gaya nga ng nais ni Sebastian, kusang pumikit ang kanyang mga mata at nakatulog ulit si Richard.

...

Nang muling maggising si Richard, wala na ang katabi nito sa kama. At bago pa bumangon, naisip ni Richard na ngayong araw rin mismo ang pag-alis ni Sebastian. Nang bumangon, doon lang napansin ni Richard na mayroon na pala siyang suot na damit. At ang damit na iyon na suot ay hindi pamilyar sa kanya, sa dahilang hindi niya pag-aari yon.
Saglit na pinagmasdan ni Richard ang suot na damit at naisip na damit iyon marahil ni Sebastian, lalo pa't maluwag at mahaba ito sa kanya. Nang itaas ang laylayan ng mahabang damit, nakita rin niya na may suot na siyang brief at boxer short. Mabilis na naghilamos si Richard at nang makitang maayos na ang itsura ay lumabas na siya sa kwartong pansamantalang tinuluyan ni Sebastian. Pagkalabas sa silid ni Baste, sa sariling silid naman pumunta si Richard. At ng makita ang oras sa orasan na nakadikit sa dingding, nakaramdam siya ng lungkot. Tatlong oras na kasi ang lumipas sa takdang pag-alis ni Baste. Nanghihinang napaupo na lamang sa kanyang kama si Richard, ang kamang kani-kanilang ay saksi sa una nilang pagtatalik ni Sebastian. Sa naisip, hindi namalayan ni Richard na kumawala na pala ang masaganang luha sa kanyang mga mata, dulot ng panghihinayang na hindi man lang sila nakapag-usap ni Sebastian at hindi man lang ito nakapag-paalam bago umalis ang huli.

'Bakit kasi hindi kaagad ako gumising.' sisi ni Richard sa sarili na patuloy parin sa pag-iyak. At habang abala ito sa pag-iyak, pinutol ito ng ingay na nagmumula sa pinto ng kanyang silid na dulot ng pagkatok ng tao sa labas.

Sa narinig, kaagad pinunasan ni Richard ang luha sa kanyang mga mata, bago pagbuksan ang taong kumakatok.

At pagkabukas sa pinto, hindi na napigilan ni Richard ang sarili at mabilis na niyakap ang taong bumungad sa kanya.

...

Nagising si Sebastian, katabi ang taong hindi niya alam na mapapatibok muli ng puso n'ya.

Bata pa'y pangarap na nito na maging sundalo at dahil sa laging nakasuporta ang kanyang mga magulang anuman ang nais nitong maging sa buhay, lalo pa itong nagsumikap para makamit ang pangarap niyang 'yon. Kaya naman hindi na kataka-taka na mabilis niyang nakamit kung nasaan man siya ngayon. Tatlong taon na ang nakararaan ng opisyal siyang maging Komandante sa edad na 26. At ilang buwan matapos ang pagtaas ng kanyang ranggo sa pagkasundalo. Nakilala niya ang unang taong magpapatibok sa puso niya. Si Rachelle Ventura. Si Rachelle ay anak ng parehong mga Duktor. At ang mga magulang nitong mga duktor ay sila ring nag-mamay-ari ng isa sa pinaka-kilalang ospital sa buong Pilipinas. Unang nagkita si Sebastian at si Rachelle sa isang coffee shop at dahil iyon sa naiwang wallet ng huli, doon nagsimula na makilala ng isat-isa ang dalawa. Matapos ang ilang araw ay nagkita muli ang dalawa. At ang ikaliwang pagkikitang 'yon ay nasundan pa ng ilang beses at namalayan nalang ng dalawa na may pagtingin na sila sa isat-isa. Naglakas ng loob si Sebastian na magtapat ng kanyang damdamin kay Rachelle at tinanong nito ang huli kung maaari niya itong ligawan. Kaagad naman na pumayag ang dalaga, sa dahilang napukaw na ng binatang sundalo ang puso niya. Matapos nga ang dalawang buwan na matiyagang panliligaw ni Sebastian kay Rachelle, sa wakas ay sinagot na siya ng huli. Sa loob ng isang taon ng kanilang pag-iibigan, naging masaya ang dalawa. Si Sebastian, naisip na ang unang babaeng kanyang niligawan at ang una ring babaeng nagpatibok sa kanyang puso ay siya nang babaeng pakakasalan niya. Ngunit bago pa magpropose ang binatang sundalo, ipinaalam ni Rachelle sa kanya ang nais nitong pag-alis patungo sa ibang bansa, para makamit ang noon pa man ay inaasam-asam na niya, at ito'y ang maging modelo. Sa narinig parang gumuho ang mundo ni Sebastian. Alam niyang sa pag-alis ni Rachelle kahit pa mahal nila ang isat-isa, posibleng mawala ang pagmamahal na 'yon, lalo pa't walang katiyakan kung ilang taon ito mawawala ng sagutin sya ng babae, matapos nitong tanungin ang tungkol sa bagay na iyon. Isang matagal na halik ang huling ibinigay sa kanya ni Rachelle bago ito magpaalam. At matapos nun, wala na siyang naging balita kay Rachelle magpasa-hanggang ngayon.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon