PANG-LIMAMPUT-DALAWA

2.1K 107 15
                                    

Hindi inaasahan ni Ariel ang pagdating ng kanyang tatay sa inuupahang dorm sa araw na iyon. Kaya naman gulat na gulat ito ng pagbuksan niya ang taong kumatok sa tinutuluyan niya, na malapit rin sa unibersidad na pinapasukan niya.

"Ta-tay ano pong ginagawa n'yo dito?" kabang bungad ni Ariel sa ama pagkabukas nito ng pinto.

"May dinaanan lang ako dito na malapit sa dormitoryo anak at naisipan kong dalawin ka na rin." sagot ni Edgar sa anak.
"Hindi mo lang ba ako papapasukin?" dagdag pa ni Edgar ng makitang natigilan ang anak at 'di ito mapakali.

"Ah eh, sa-sandali lang tay." sagot ni Ariel at mabilis na isinara ang pinto.

Matapos pagsarhan ng pinto ang ama, mabilis nitong pinuntahan ang lalaking wala ni isang saplot sa katawan na kasama nitong natulog.

"Kap, bangon ka muna sandali, andyan sa labas si tatay." yugyog ni Ariel sa sundalong kasintahan na masarap pa rin ang tulog.

Naalimpungatan naman ang sundalo at hindi pinansin ang kasintahan at nagpatuloy sa pagtulog.

"Kap, dali na, papatayin ako ni tatay kapag nakita ka niya dito." pakiusap ni Ariel sa sundalo.

"Love naman, bakit kasi hindi mo pa ako ipakilala kay tatay." saad ng Kapitan na hinila pa ang kamay ng 'di na mapakaling kasintahan at ngayon ay nakapatong na sa kanya.

"Kumukuha pa ako ng tiyempo, dali na at kanina pa nasa labas si tatay." pakiusap muli ni Ariel sa kasintahan at para mapapayag ito ay hinalikan muli nito ang labing 'yon ng Kapitan.

"Sige, basta mamayang pag-alis ni tatay, 'yung isang round na hinihingi ko ha." ngising saad ng Kapitan at muling hinagkan ang hindi pagsasawaang labi ng kasintahan.

"Oo na, dali pumunta ka muna sa banyo at pagbubuksan ko na si tatay." pagpayag ni Ariel sa kapalit na hinihingi ng malibog na Kapitan. Nang sigurado ng hindi na makikita ng ama ang sundalong lihim na karelasyon niya, binalikan na nito ang amang si Edgar.

"Pasok ka tay, inayos ko muna sandali ang tinutuluyan ko." anyaya ni Ariel sa ama at paliwanag nito.

Sandaling tinignan ni Edgar ang anak, alam ng matanda na may hindi sinasabi sa kanya ito, pero hindi na nito binigyan pa ng pansin iyon, minabuti na lang nitong ipaalam ang isa pang sadya nito sa anak.

"Kaya pala nandito rin ako, may nais akong hinging pabor sa iyo anak." simula ni Edgar.

"Ano po 'yon tay?" tanong ni Ariel sa mukhang seryosong pakay ng ama.

"Hindi ba ang sabi mo nung huling binisita ka ng nanay mo, magsisimula ka ng mag OJT sa mga ospital dito sa atin?" pagpatuloy ni Edgar.

"Anong tungkol dun tay?"

"Ilang buwan na kasi ang nakararaan ng may mailigtas kami ng nanay mo na isang lalaki, ngayon nasa ospital ang taong 'yon at kahit pa may nagpakilala ng kakilala nung lalaki, may hinala akong may itinatago sa amin ang babaeng nagpakilalang kasintahan ng nailigtas namin." kwento ni Edgar sa anak.

"Bakit ho ninyo nasabing may itinatago sa inyo ang babae?"

"Ang tungkol nga sa bagay na iyan ang ihihingi ko ng pabor anak, gusto kong malaman kung anong tunay na pangalan ng lalaking nailigtas namin, na 'di man lang ipinaalam sa amin ng babae, kaya kung pwede ay magawan mo ng paraan na makapunta ka sa Ventura's Hospital, dahil nandun ngayon ang lalaki at ng makita mo na rin siya, kasalukuyan din siyang nasa ICU at pinagbawalan ang sinuman na dumalaw sa kanya." paliwanag ni Edgar.

"Mukhang tama po kayo, anong dahilan ng babae at hindi man lang niya ipinaalam sa inyo ni nanay kahit pangalan lang ng lalaking nailigtas ninyo." sang-ayon ni Ariel sa ama. Kilala niya ang ama na malakas ang pakiramdam, kaya nga ngayon ay kinakabahan rin siya para sa sarili, na nahahalata na siya ng ama sa itinatago rin nito sa kanya.

"Iyon nga ang gusto kong malaman, ano makakaasa ba ako anak?" tanong ni Edgar sa pansin nitong kinakabahang anak.

"Sige po tay, titignan ko ang magagawa ko, kapag may nalaman ako, ipapaalam ko po kaagad sa inyo." sagot ni Ariel sa ama.

"Sige aasahan ko iyan anak, sige aalis na rin ako." saad ni Edgar at niyakap ang anak bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ng ama nito, nakaramdam ng pagkakonsyensya si Ariel.

Lumabas na rin si Captain Guzman sa pinagtaguang banyo at nakita nito ang may malalim na iniisip na kasintahan.

"Love, sorry kung dumagdag pa ako kanina, hayaan mo matatanggap rin ni tatay ang relasyong meron tayo." alo ng Kapitan at niyakap ang kasintahan.

"Sana nga love, hindi ko maiwasan na makonsyensya, hindi lang ang paglilihim ng tungkol sa atin, pati na rin ang tungkol sa kapatid ni tatay." saad ni Ariel at niyakap pabalik ang kasintahan.

"Don't worry love, magiging maayos din ang lahat." pagbibigay pag-asa ng Kapitan, sabay hagkan nito sa ulo ng kasintahan, na alam nitong nahihirapan ngayon.

"Sana nga love."

...

Sa sumunod na mga araw ay nagawan ng paraan ni Ariel, na makaapak siya sa isa sa pinakamalaking ospital sa buong Pilipinas. Hindi siya nahirapan dahil na rin sa magandang credentials na mayroon siya, kaya naman bilang isang future na magaling na surgeon, malapit na niyang magawa ang pabor na hiningi ng amang si Edgar at ngayon nga ay papunta na siya sa ICU na eksaktong lugar, kung saan nakaratay ang lalaking nailigtas ng kanyang mga magulang.

Gaya nga ng narinig niya sa ama, bantay sarado nga ang kwartong iyon ng ICU ng mga maraming guards, pero dahil may permission naman siya para makapunta sa nasabing kwarto, dire-diretso lang na naglakad papunta doon si Ariel.

"Sandali, may permiso ka ba para pumasok?" harang ng isang security kay Ariel.

Hindi iyon sinagot ni Ariel, bagkus ay itinapat nito sa mukha ng security ang kanyang ID.

Pagkakita ng guwardya sa ID ng hinarang nito, mabilis naman itong yumuko.

"Sorry Dok, ginagawa lang namin ang inutos sa amin." saad ng guwardya.

"Naiintindihan ko at gaya ninyo, gagawin ko rin ang trabaho ko." saad ni Ariel at matapos nun ay kaagad na siyang pinagbuksan ng pinto ng mga guards.

Lihim na napangiti si Ariel at pumasok na rin ito sa loob ng ICU. Pagkalapit ni Ariel sa lalaking nakahiga at wala paring malay sa mga oras na iyon, literal na nagulat at nanlalaking mata siya sa kanyang nasaksihang mukha ng lalaki.

"Papaanong?!" saad ni Ariel at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ngayon ng kanyang dalawang mata. Nang matauhan sa nakitang kilala niyang mukha ng lalaki, mabilis na kinuhanan ni Ariel ng larawan ang wala paring malay na pasyente. Sa oras rin na iyon, isang plano ang naisip ng binata at ito'y ipaalam sa mga pinsan niyang matagal na niyang gustong makilala, ang tungkol sa lalaking, alam niyang parte ng buhay ng mga ito.

"Mukhang ikaw pa sir, ang bubuo sa pamilya Manalo." labis sa sayang saad ni Ariel.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon