PANG-LIMA

4.8K 131 9
                                    

Hawak ang cellphone, hindi alam ni Private Velasco kung ano ang gagawin habang nakatitig sa pangalan ni Richard sa kanyang telepono. Nang makakuha ng lakas ng loob ay sinimulan na nitong tawagan ang numero ni Richard. Habang naghihintay na sagutin nito ang kanyang tawag ay kinakabahan ang sundalo kung anong maaari nitong sabihin kapag sinagot nito ang tawag. Pero tunog lang ng telepono ni Richard ang kanyang narinig at wala itong sagot na natanggap. Sa nangyari'y inisip ni Lorenzo na baka nagpapahinga na ito, kaya naman minabuti nitong magpahinga na rin. At bukas paggising nalang niya susubukan tawagan si Richard.

...

Matapos ipaalam ni Richard sa doktor na nagkamalay na si Sebastian, kaagad naman pinuntahan ito ng doktor. Kasama ang doktor ay bumalik na si Richard sa kwarto ni Sebastian.

Sa nakitang pagbalik ng kapatid kasama ng doktor ay nagpaalam na si Erick at Vince sa kaibigan. Si Richard naman ay minabuting iwanan muna si Sebastian habang tinitignan ito ng doktor at para na rin maihatid ang mga kapatid sa pag-alis.

"Ikaw na muna ang bahala kay Baste ah Chard." habilin ni Vince sa kapatid sabay yakap nito.

"Oo kuya."

"Paano bunso, mauna na kami." paalam ni Erick at ginulo pa ang buhok ng kanilang bunso.

"Sige kuya, ingat kayo."

...

Paglabas ng doktor sa kwarto ni Sebastian ay hindi alam ni Richard kung papasok ba ito o hindi. Iniisip nito na hindi naman sila malapit ni Sebastian at naiilang rin siya sa presensya ng kanyang Komandante. Pero naisip rin niya na kung hindi nito sasamahan ang sundalo ay mag-isa lang ito sa kwarto at wala naman iba pang dadalaw sa kanya dahil wala naman itong kamag-anak na narito. Sa pagtatalo ng isip ni Richard ay 'di nito namalayan ang pagdating ng kanyang amang Heneral.

"Anak, nakaalis na ba ang mga kapatid mo?" tawag ng pansin ni Diosdado sa malalim na pag-iisip ng kanyang bunso.

Bahagya naman nagulat si Richard sa tanong ng ama.

"Ha? Opo pa." sagot ni Richard ng makabawi.

"Ganun ba, oo nga pala nagkita na ba kayo na mama mo?"

"Opo pa, oo nga pala gising na si Major Manlangit." sagot ni Richard at ipanaalam sa ama ang lagay ng kanyang Komandante.

"Mabuti naman kung ganun, halika samahan mo akong puntahan siya." sabi ng ama nito at sa narinig, nasagot ang pagtatalo kanina ni Richard kung sasamahan ba niya o hindi si Sebastian.

...

Matapos magpaalam ng mga kaibigan sa kanya ay iba-ibang mga tests ang ginawa sa kanya ng doktor. Tinanong rin siya kung ano ang nararamdam niya at ng sabihin ni Sebastian na kumikirot ang mga sugat nito pati na ang magkabilang balikat ay pinainom kaagad siya ng pain killer at niresetahan narin siya ng doktor ng iba pang gamot para mapadali ang paghilom ng mga sugat niya. Sa narinig naman ng doktor tungkol sa pananakit ng makabilang balikat ay ipinaalam sa kanya na dahil lang ito sa bugbog na natamo sa pagsabog at wala naman itong bali.

Matapos lumabas ng doktor ay inaasahan ni Sebastian ang pagpasok ng bunsong kapatid ng mga kaibigan para samahan siya. Pero ilang minuto ang lumipas ay wala itong nakitang pumasok. Dala ng gamot na ipinainom ng doktor sa kanya ay 'di namalayan ng sundalo at nakatulog ito.

...

Ang natutulog na Sebastian ang naabutan ng mag-ama pagpasok nila sa kwarto.

"Ayaw yata akong makausap ng loko, kada pagdating ko rito'y natutulog siya." natatawang saad na amang Heneral.

"Baka po napagod siya dahil kila kuya pa." kwento ni Richard sa ama.

"Siguro nga. Bueno, nalaman ko sa mama mo na sa atin pala tutuloy si Manlangit."

"Opo pa at pinakiusapan ako nila kuya na samahan ko muna si Major Manlangit hanggang sa makauwi siya sa atin."

"Mabuti kung ganun, o siya ikaw na muna ang bahala sa kanya."

"Sige pa, si mama pala nasaan?"

"Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, nauna na siyang umuwi sa atin para ipahanda ang gagamiting kwarto ni Manlangit pag-uwi sa atin."

"Mabuti naman po, akala ko kasi ipipilit pa ni mama na magpatingin ako sa doktor." sumbong ni Richard sa ginawa ng mama nito.

"Masanay ka na sa mama mo, ikaw ang paborito niya kaya ganun. Oo nga pala, good job son sa una mong misyon." naiiling na saad ni Diosdado sa narinig na ginawa ng asawa at hinabol ang papuri sa bunsong anak.

"Salamat pa." masayang saad ni Richard sa ama.

"You deserved it son at proud kami sa'yo ng mama mo, kahit pa alam kong aawayin niya na naman ako pag-uwi."

"Gaya nga ng sabi mo pa, masanay na tayo kay mama." biro ni Richard sa ama.

"Loko ka talaga, o siya maiwan ko na kayo ni Manlangit." naiiling na saad ni Heneral Manalo at iniwan na ang dalawang sundalo.

...

Sa pag-alis ng ama ay naisipan ni Richard na maligo muna sa shower na naririto rin sa kwarto ni Sebastian.

Matapos maligo ay kumuha ng mga damit na maisusuot si Richard sa laging baon na bag. Matapos magbihis ay naisip rin nito na kuhanin ang cellphone na nakasilid din sa kanyang bag.

Pagtingin sa kanyang cellphone, isang unknown number na may missed call ang bumungad sa screen nito. Tsaka niya naisip si Velasco na humingi ng kanyang numero. Tatawagan niya sana pabalik ang unknown number, pero hindi na niya ginawa dahil naisip niya na baka nagkamali lang ng tinawagan ang numerong iyon.

Paglabas ng banyo ni Richard ay natutulog parin si Sebastian, kaya naman minabuti niya na kumain na muna sa labas. Bago pa ito makalabas, nahagip ng mata niya ang papel na nakapatong sa mesang malapit sa kama ng natutulog na si Sebastian. Pagkakuha ni Richard sa papel ay nalaman nito na reseta pala iyon ng gamot ng mga iinumin ni Sebastian. Kaya naman ng lumabas ito para kumain ay isasabay na rin niya mamaya ang pagbili sa mga gamot ni Sebastian.

...

Matapos kumain at makabili ng gamot ay bumalik na rin si Richard sa kwarto ni Sebastian.

Samantalang nagising naman si Sebastian bago pa makabalik si Richard dahil sa pagkapuno na ng kanyang pantog. Maingat na bumangon ang sundalo at dala ng bugbog at mga sugat sa katawan ay nahirapan ito sa pag-upo pa lamang. Nasa ganitong sitwasyon ang Komandante ng bumukas ang pinto.

Pagbukas sa pinto ni Richard ay bahagya pa itong nagulat sa nakitang ayos ni Sebastian. Nag-aalala naman na kaagad itong lumapit sa kinaroroonan ng Komandante.

"Si-sir ayos lang po kayo?" alalang tanong ni Richard sa nagpipigil na maihing si Sebastian.

"Manalo ayos lang ako, pero ang junior ko ay hindi." walang prenong saad ng komandante dahil ilang saglit nalang ay maiihi na ito. Sa narinig naman ni Richard ay kaagad na namula ito.

"Po?" tanong ni Richard sa Komandante dahil sa naisip na baka nagkamali lang ito ng rinig.

"Alam mo Manalo? Lumapit ka na kaya muna sa akin at tulungan mo ako rito dahil puputok na ang pantog ko anumang oras." klarong saad ni Sebastian sa namumulang si Richard.

Nang maunawaan ni Richard ang sinabi ng Komandante ay mabilis naman itong lumapit at tinulungan ang nagpipigil parin na maihing si Sebastian.

Nakaakbay sa kanya na sinamahan ni Richard si Sebastian papunta sa banyo, nahihiyang umiwas naman kaagad ng tingin si Richard para makapagbawas na ang kanyang Komandante.

Samantalang si Sebastian naman ay hindi nito magawang mahawakan man lang ang sariling junior para mailabas sa suot nito, dala ng pananakit sa magkabilang balikat sa nangyaring pagsabog.

"Manalo hindi ako makakaihi ng ganito." tawag ng pansin ni Sebastian sa nakaiwas na tingin na si Richard. Nang walang makuhang sagot kay Richard ay walang preno nitong sinabi ang mga sumunod.

"Ilabas mo ang junior ko sa suot ko."

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon