PANG-LIMAMPUT-WALO

2K 105 22
                                    

Matapos makita ni Richard ang pagmulat ng nagkamalay ng si Sebastian. Kaagad pinindot ni Richard ang buzzer para iparating sa doktor na nagkamalay na ang Komandante at habang hinihintay nga ang pagdating ng doktor, pinaglapit ng naluluhang si Richard ang mga mukha nila ni Sebastian.

"Salamat at nagising ka na sir." mahinang saad ni Richard at hinagkan nito ang labi ni Sebastian.

Kaagad rin humiwalay si Richard sa Komandante at ngayon ay mataman nitong tinititigan ang matamlay pang mukha ng huli.

"Anong nararamdaman mo sir, may masakit ba sa'yo?" alalang tanong ni Richard.

"T-thank you, b-baby." mahinang saad ni Sebastian na medyo hirap pa sa pagsasalita sa sandaling iyon.

"Ako ang dapat na mag-thank you sir at huwag ka na munang magsalita, darating na rin si dok n'yan." saad at pakiusap ni Richard ng mapansin ang hirap ng Komandante sa pagbigkas pa lamang nito.

"Marami akong ikukuwento sa'yo maya-maya sir, sa ngayon ay magpahinga ka na muna at pangako, sasamahan kita hanggang sa lumakas at gumaling ka." dagdag pa ni Richard at muling lumapit sa mukha ng Komandante, sabay halik nito sa pisngi naman ng huli.

Gaya nga ng sabi ni Richard, ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang doktor. Ayaw pa sanang lumabas ni Richard, pero pinakiusapan siya ng doktor na lumabas na muna para matingnan na nito ang pasyente, kaya wala ng nagawa ang sundalo kungdi ang sumunod na lamang.

Kita pa ni Richard ang pagsunod sa kanya ng tingin ng Komandante, kaya naman isang ngiti ang isinukli nito kay Sebastian.

Sa paglabas ni Richard sa kwarto, dumating naman sa sandaling iyon si Rachelle, na alam na rin ang pagkakaroon ng malay ni Sebastian.

"Nagkita na rin tayo sa wakas, ako nga pala si Rachelle, ang taong mahal ni Baste at magiging ina ng anak namin." pakilala ni Rachelle kay Richard.

Sandaling tinignan ni Richard ang babae, at kaagad na naalala ang pamilyar na mukha nito.

"Ikinagagalak kong makilala ka Rachelle, ako naman si Richard, pero sa tingin ko, si Sebastian lang ang makapagsasabi kung sino ang taong mahal niya, kaya hindi ko muna ipagyayabang na ako ang taong iyon, mas mabuting sa kanya na mismo manggaling iyon." pakilala naman ni Richard kay Rachelle at hindi papatalo ang sundalo kahit pa totoong anak ng Komandante ang dinadala ng babae.

"Tama ka naman, pero 'wag mong ipagmalaki ang namagitan sa inyo ni Baste, dahil alam kong napilitan lang siya sa'yo o baka nacurious lang siya kaya nagawa niyang pumatol sa katulad mo." saad ni Rachelle na tila ba nandidiri pa ito sa kausap.

"Oh ganun ba, kaya pala hindi makatiis sa akin si Baste, actually gabi-gabi naming ginagawa ang bagay na iyon at madalas na humihingi siya sa akin na isa pang round, kung ayaw mong maniwala, puwede mong itanong sa kanya iyan mamaya." ngising balik ni Richard sa babae.

Sa narinig ni Rachelle ay gustong-gusto nitong burahin ang ngisi sa pagmumukha ng sundalo, pero alam ng babae na hindi basta-basta na lamang niya ito magagawa sa ngayon.

"Tignan na lang natin kung makangisi ka pa, kapag nalaman na ni Baste na magiging tatay na siya, na kailanman ay 'di niya mararanasan sa iyo." ganti naman ni Rachelle.

Inaamin ni Richard na totoong hindi sila makakabuo ni Sebastian ng sarili nilang anak, pero sa panahon ngayon ay marami ng posibleng paraan kung ang pagkakaroon lang nila ang anak ang pag-uusapan.

"Huwag kang mag-alala Rachelle, hindi mo na kailangan pang ipaalam sa akin ang matagal ko ng alam, pero kung ang pagkakaroon lang namin ng anak ni Baste ay maraming ibang paraan para matupad iyon." sagot ni Richard.

"Well hindi na kailangan pang  maghintay ni Baste at ilang buwan mula ngayon ay magiging daddy na siya." ngising saad ni Rachelle.

Alam ni Richard na panalo sa pagkakataong iyon ang babae, pero hindi kaagad papatalo si Richard.

"Sandali Rachelle, gaya nga na sabi ko kanina, na maraming posibleng paraan para magkaroon ng anak, at alam kong kilala nating pareho si Sebastian na hindi siya manloloko, tapatin mo nga ako? Paanong nabuntis ka ni Baste, gayung wala namang nangyari sa inyo?" seryosong tanong ni Richard sa babae.

"A-anong pinagsasabi mo? May nangyari sa amin kaya buntis ako ngayon!" malakas na saad ni Rachelle na kinakabahan na rin sa sandaling iyon.

"Kung anumang milagro ang ginawa mo Rachelle, sisiguraduhin ko na malalaman ko iyon sa lalong madaling panahon." saad ni Richard.

At pagkalabas ng doktor sa ICU, dalawang tao ang kaagad na bumungad sa kanya.

"Anong lagay ni Baste dok?"
"Kamusta si Baste dok?" halos sabay na tanong nila Richard at Rachelle sa doktor.

"For now ay maayos na ang pasyente at ililipat na siya sa ibang kwarto hanggang sa gumaling na siya, ilang tests ang ginawa ko sa kanya at kapag maayos ang mga results sa mga tests ay pahinga na lamang ang kailangan ng pasyente." paliwanag ng doktor sa dalawa.

"Salamat dok."
"Thank you dok." halos sabay muling saad ng dalawa.

At halos sabay na pumasok rin sila Richard at Rachelle para samahan si Sebastian.

"Mahal ayos ka na ba? Wala bang masakit sa'yo?" alalang tanong ni Rachelle sa Komandante.

Ayaw man ni Richard na kasama niya si Rachelle, hinayaan na lang ng sundalo ang babae na nag-aalala rin para sa Komandante.

Hindi naman malaman ni Sebastian ang isasagot sa oras na iyon, na nagtataka sa nakikita nitong magkasama ang dating nobya at ang mahal niya ngayon.

"Hayaan na muna nating magpahinga si Baste, hirap pa siya sa pagsasalita." saad ni Richard sa babae.

"Ikaw ba ang kausap ko? Ang mabuti pa ay iwan mo kaming dalawa." sagot ni Rachelle sa sundalo.

Hindi nagustuhan ni Sebastian ang sinabing iyon ni Rachelle, kaya naman kahit hirap ito sa pagsasalita ay...

"Di-dito ka lang b-baby."

"Sinong tinawag mo ng baby, mahal?" tanong ng naguguluhang si Rachelle.

"Oo sir, hindi kita iiwan, huwag ka na munang magsalita at magpahinga ka na lang." sagot ni Richard sa Komandante.

Sa mga narinig ay nasagot ang tanong na iyon ni Rachelle sa Komandante. At hindi ito makapaniwala sa mga sandaling iyon.

"Mahal, ipagpapalit mo ba kami ng anak natin sa lalaking iyan?!" sumbat ng inis ng si Rachelle sa Komandante.

"Pwede bang tumigil ka na muna? Kita mo ng hindi pa tuluyang magaling si Baste." saway ni Richard sa babae.

"Ikaw ang tumigil, ano pang ginagawa mo dito, iwanan mo na kami ni Baste!" singhal ni Rachelle kay Richard.

"Hindi mo ba narinig si Baste? Dito lang ako gaya ng sabi niya, kung gusto mo, ikaw ang lumabas." balik ni Richard sa babae.

"Mahal, ano bang ginawa sa iyo ng lalaking iyan, hindi mo ba ako narinig kanina, magiging daddy ka na at magkakaanak na tayo, hindi mo na siya kailangan at ipinapangako ko, hindi na tayo maghihiwalay pa." saad ni Rachelle at lumapit ito sa mukha ni Sebastian para halikan ang Komandante.

Naguguluhan naman si Sebastian sa mga narinig nito sa dating nobya at sa tangkang paghalik na iyon ng babae sa kanya ay kaagad na umiwas ito.

Nasaksihan ni Richard ang lahat ng iyon at lihim na natuwa ang sundalo, napatunayan muli kasi ng Komandante ang pag-ibig nito sa kanya.

Pigil ni Rachelle ang galit na nararamdaman nito, sa pagtangging ginawa na iyon ng Komandante. Kaya ayaw man nitong iwanan ang dalawa, minabuti na ng babae na lisanin ang lugar, pero bago iyon.

"Hindi ako makakapayag na ipagpapalit mo kami ng anak mo sa lalaking iyan, kung pipiliin mo siya, hindi ka kailanman kikilanin ng anak natin." saad ni Rachelle at umalis na pagkatapos.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon