KABANATA : 1.

11.7K 109 1
                                    


*



"Good morning Mom, Dad!" Bati ni Tyron na kakababa lang mula sa'kanyang kwarto. Nakasuot na ito ng kanyang uniform.



"Good morning anak!" Masayang bati naman ni Ayame sa anak.



"Oh, Tyron 'wag kakalimutan mga bilin namin sa'yo." Bilin ni Trevor sa panganay na anak bago muling nagbasa ng news paper.



Mabilis na lumipas ang panahon. At labing walong taon gulang na ang panganay nilang si Tyron. Samantalang sampung taon naman ang kapatid nitong si Tyler.



"Opo Dad." Sagot niya sa ama.



Humalik muna siya sa'kanyang ina bago lumabas patungong parking area. Kung saan naghihintay si Mang Lester, ang personal driver niya. Hindi pa kasi pinapayagan ni Trevor na mag drive mag-isa ang anak. Iniingatan niyang hindi ito sumunod sa mga katarantaduhan niya noon.



"Trevor, bakit hindi mo na lang hayaan 'yong anak mo mag drive? Tutal, nasa edad na naman siya para mag maneho. Mayroon na rin naman siya sarili niyang lisensya." Sabi ni Ayame sa asawa.


Napabuntong-hininga naman si Trevor. "Ayaw ko lang na maulit sa'kanya 'yong mga bagay na ginawa ko noon. Ayaw ko maging matigas ang ulo niya." Seryosong sagot ni Trevor.

Napabuga rin ng hangin si Ayame. Batid niya na sa ganitong sitwasyon hindi niya mapipilit ang asawa. Kapag nag disisyon ito, walang sinuman ang makakapagpabago.


"Good morning mga anak!" Bati ni Ginang Charlot sa mag-asawa.


Tumayo naman si Ayame para humalik sa'kanyang biyanan.


"Oh, Trevor? Bakit nandito ka pa? Wala ka ba balak pumasok?" Tanong ni Ginang Charlot pag-upo niya sa tabi ng anak.


"Nagpasabi na ako sa secretary ko na tanghali ako makakapasok." Sagot ni Trevor sa'kanyang ina.


"Bakit?" Tanong naman ni Ayame.


Tumigil si Trevor sa pagbabasa ng news paper. At matamang tiningnan ang kanyang asawa. "May aasikasuhin ako mamayang nine." Seryosong sabi nito sabay balik sa pagbabasa ng news paper.


Napakunot-noo naman si Ayame sa pinapakitang actions ngayon ng asawa. Pero pilit na lang niya itong isinantabi.


"Sya nga pala, nakausap ko si Devon kahapon. Next week daw babalik na siya dito sa pilipinas." Imporma ni Ayame kay Trevor.


"Okay." Maikli naman nitong tugon. Kaya't lalo siyang naguluhan. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip ng hindi maganda.


Maya-maya tumayo na si Trevor at nagpaalam sa'kanila. Nasa pinto na ito ng kusina nang muling lumingon kay Ayame.



"Sya nga pala, 'wag mo na akong hintayin mamayang gabi. Late na ako makakauwi dahil may dinner meeting ako with Mr. Lim" Imporma nito sa'kanya. Bago muling tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Napabuntong-hininga naman ng malalim si Ayame.


"Nag-away ba kayo ni Trevor?" Tanong ni Ginang Charlot nang makita ang malungkot na mukha ni Ayame.


Umiling si Ayame. "Hindi po, Ma." Sagot niya.



"Bakit parang ang lamig niyo sa isa't-isa? May problema ba?" Muling tanong ni Ginang Charlot sa'kanya.



Ngumiti na lang siya. "'Wag po kayong mag-alala, Ma. Okay na okay po kami ni Trevor. Sige po, kailangan ko na rin pumasok sa opisina." Paalam ni Ayame sa biyanan bago nagmamadaling lumabas ng kusina. Naiwan naman ang ginang na naguguluhan.



Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon