❣️Aina Jade's POV❣️
[7 YEARS LATER...]
Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. First job interview ko 'to. At daddy pa ni Ethan ang mag i-interview sa'kin. Marami pa naman akong naririnig na masungit ito. At nakakatakot kapag siya ang interviewer. Kulang na lang daw maihi ka sa sobrang takot.
Lalong lumakas ang kaba ko nang makapasok ako ng opisina niya."Good morning po!" Bati ko sa'kanya.
"Morning. Have a seat." Aniya ng hindi tumitingin sa'kin. "Aina Jade Gonzales?" Banggit niya sa pangalan ko ng patanong habang nakatingin siya sa resume ko.
"Yes, sir." Mabilis kong sagot.
"So, fresh graduate ka pa lang from Aragon University? And according to your resume, wala ka pang experience sa anumang trabaho." Atsaka pa lamang siya tumingin sa'kin pagkatapos sabihin 'yon. "Paano kita iha-hire kung kulang ka sa experience?" Napalunok ako ng laway sa paraan ng pagtatanong niya. Tama sila nakakatakot ang ama ni Ethan. "Miss Gonzales?" Napapitlag ako ng marinig ang pagtawag niya sa'kin. Lalo siya naging seryoso. "You look tense. Are you okay?" Tanong niya habang pinag-aaralang mabuti ang mukha ko.
"Y-yes, s-sir." Nauutal kong sagot.
Umirap siya sa'kin pagkatapos binalik ang atensyon sa resume ko. "Paano kita tatanggapin kung mga simpleng tanong ko pa lang," muli siyang tumingin sa'kin "hindi ka na makasagot."
Napayuko ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Narinig ko siyang bumuntong-hininga ng malalim.
"Isang tanong lang, Miss Gonzales." Nag-angat ako ng tingin at nagkatitigan kami. "Bakit sa tingin mo, dapat kang tanggapin sa trabahong 'to?" Seryosong tanong niya.
Biglang hindi nag process ang tanong niya sa'kin. Para akong nanonood ng youtube tapos biglang nawala ang internet connection. Kaya puro loading na lang yung pinapanood ko.
"Miss Gonzales?"
"Kulang man po ako sa karanasan. Pero may didikasyon naman po ako sa mga ginagawa ko. At hindi niyo pagsisisihan ang pag hire niyo sa'kin dito." Sagot ko sa tanong niya. Wala akong maisip na magandang sagot. At tingin ko 'yon na ang pinakamagandang sagot sa tanong niya.
Hindi siya umimik. Pagkatapos may kinuha siya sa drawer niya. Tapos iniabot 'yon sa'kin. Agad ko naman 'yong tinanggap.
"Para saan po ito?"
"Kontrata 'yan. Sign it. At pwede ka nang magsimula bukas."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Sir---"
"Yes, tanggap ka na." Sabi nito.
Agad ko namang binasa ang kontrata bago ko pinirmahan. Pagkatapos muli kong binigay sa'kanya.
"Thank you, sir."
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34