***
"Aaahhhhhhh!" Sigaw ni Aina sa loob ng delivery room.
"Hinga ng malalim tapos ire ng mahaba. Sige, one two three ire!" Sabi ng doctor.
Huminga ng malalim si Aina bago umire ng mahaba.
"Very good. Ire pa! Ayan! Malapit na, huminga ka ulit ng malalim sabay ire ng mahaba." Sabi ulit ng doctor sa'kanya.
Huminga siya ng malalim sabay ire. Maya-maya isang iyak ng sanggol ang umalingawngaw sa loob ng delivery room.
"It's a healthy baby girl. Congratulations Misis Hunt!" Masayang bati ni Dra. Melanie Alvarez sa'kanya.
Nakangiti habang naluluhang nagpasalamat naman si Aina dito. "Thank you so much Doc."
Nilinisan muna nila ang baby bago ipinatong sa ibabaw ng dibdib niya.
"Hello baby! Mommy is here." Hindi napigilan ni Aina ang pagtulo ng mga luha niya. Tears of joy.
Matapos siyang malinisan at mabihisan ng malinis na hospital gown. Inihanda na siya para sa paglipat niya sa regular room.
| ROOM 2043 |
Humahangos na si Tyron ang pumasok sa loob ng silid. Naabutan niyang nakahiga ang kanyang mag-ina sa kama. Agad siyang lumapit kay Aina. Pagkatapos hinalikan niya ito sa labi.
"I'm sorry kung na-late ako ng dating. Late na kasi nag start yung meeting." Paliwanag niya kay Aina.
Ngumiti naman si Aina sa'kanya. "It's okay."
Pagkatapos napatingin naman siya sa sanggol na kalong ni Aina. "Hello little one! I'm your handsome daddy." Natatawang sabi niya habang nanunubig ang mga mata. Pagkatapos tumingin siya kay Aina. "Thank you, wife."
Ngumiti si Aina sa'kanya. Pagkatapos pinahid nito ang tumulong butil ng kanyang luha.
"I love you." Sabi niya dito.
"I love you, too." Tugon naman ni Aina. Akmang hahalikan sana niya ito sa labi nang biglang may nagbukas ng pinto.
"Woah! Kakapanganak lang ni Aina susundan mo agad dre?" Natatawang sabi ni Gerald sa'kanya.
"Baliw." Naiinis namang sabi niya sa kaibigan.
Pagkatapos sunud-sunod ang pasok ng mga kaibigan niya. Kasama ang mga nobya nito. Maliban kay Ethan na wala pa ring kasintahan.
"Ang ganda ganda naman ng baby niyo." Nanggigigil na sabi ni Lianne paglapit kina Aina.
"Babe, pwede naman tayong gumawa ng ganyan if you want." Sabi ni Gerald kay Lianne.
![](https://img.wattpad.com/cover/208561722-288-k761596.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34