KABANATA - 15.

3.7K 83 1
                                    

W E D N E S D A Y











Pagpasok ng mag-asawa sa school. Hinatid ni Tyron si Aina sa room nito. As usual hindi na naman makapaniwala mga kaklase niya.



"Aina, 'wag kang mawawala sa game ko mamaya ah?" Paalala pa ni Tyron bago ito umalis.



"Omg! Sila na ba talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ng isa niyang kaklase pagdaan niya.



Pag-upo niya sa arm chair. May lumapit na dalawang studyante sa'kanya.



"Aina, kayo na ba ni Tyron?" Tanong ng kulot at maitim niyang kaklase.



"Hindi." Mabilis niyang sagot



"Really?" Nagningning naman ang mga mata nito.



"Eh, bakit palagi ka niyang hinahatid sundo dito?" Tanong naman ng straight ang buhok pero maraming tigyawat. Halata sa mukha kahit makapal pa ang make up.



"Close kami?" Sagot niya ng patanong.



"I heard inaakit ni Aina si Tyron. Para you know, umangat sa buhay. Nalaman siguro niyang mayaman si Tyron." Singit ni Monique.


Nag-alisan naman 'yong dalawang studyante. Tapos bahagyang lumapit si Monique sa'kanya.



"Am I right, Aina?" Malanding tanong nito sa'kanya.



Napatiim-bagang si Aina. Pero pinigilan niya ang sariling pumatol.



"Baka naman sex toy siya ni Tyron." Malakas na sabi naman ni Faith. Sabay sabay nag tawanan ang mga kaklase niya.


Namula siya sa sobrang inis. Pero pinili pa rin niyang manahimik. Nangako siyang hindi papatol sa mga tulad nila. Pero huwag lang talaga umabot sa sukdulan ang pasensya niya.



"Ano pa ba? Yuck! Ew! Wala man lang kahihiyan sa katawan." Sabi pa ni Carol.



"Ano Aina? Umamin ka na kasi sa'min. Magkano ba binabayad sa'yo ni Tyron?" Nilandian pa lalo ni Monique ang boses niya. Tapos napahalakhak pa ng sobra.



Tiim-bagang, kuyom ang mga kamao na hinarap si Monique.



"Alam niyo, nakakaawa kayo. Ay, mali. Nakakaawa ang mga magulang niyo. Nagpalaki sila ng anak na tulad niyo. Alam niyo kung bakit?" Gigil na gigil na sabi ni Aina sa tatlong magkakaibigan. "Kasi, nagkaroon sila ng mga anak na walang modo, salot sa lipunan at puro kalandian lang alam." Pagtatapos ni Aina sa gusto niyang sabihin. Tapos bumaling naman siya sa iba niyang mga kaklase. "Kayo! Ano, katulad din ba kayo ng tatlong 'to? Yan ba ang itinuro ng mga magulang niyo sa'inyo? Ang mangutya at makialam sa buhay ng ibang tao? Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Naturingan pa naman kayong mayayaman at tinitingala ng karamihan. Puro naman pala kayo mga hunghang." Tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya. "Masyado kayong mapanghusga sa mga gaya naming mahirap. Kapag mahirap tapos may boyfriend o may kaibigan na mayaman. Manggagamit o gold digger agad? Porket mahirap tingin niyo pwede niyo ng tapak tapakan? Mahirap lang kami, pero tao pa rin kami. Hindi niyo kami mga laruan." Binitbit ni Aina ang gamit niya at umiiyak na lumabas ng room. Nagtatakbo siya papunta sa science garden. Halos isang buwan din siyang nag-tiis. Pero ngayon, sumobra na ang mga kaklase niya. Hindi na niya kayang tiisin pang-aapi ng mga ito sa'kanya. Hindi porket mahirap kailangan mag-papaapi na lang sa mga taong tulad nila.



Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon