KABANATA - 48.

3.6K 71 2
                                    

*





Lumipas ang mga araw, tuloy tuloy na ang pagbangon ng kumpanya. Bumalik ang ilang investors at mas dumami pa sila. Ganun rin ang mga dealers na muling nagtiwala sa'kanilang kumpanya. Sinabi na rin ni Tyron sa isang press conference ang tungkol sa sekretong kasal nila ni Aina. Pati ang ilang mga detalye dito. Naglabas din siya ng mga larawang kuha nila sa kasal seven years ago. Marami ang nagulat at naging trending ito sa social media. Hiningi ni Tyron na sana irespeto ng mga ito ang privacy nila. At 'wag na sanang magkalat ng mga maling balita tungkol sa'kanya. Sinabi rin niya sa press conference ang tungkol sa pagbubuntis ni Aina. Nasorpresa naman ng husto si Aina nang mapanood niya 'yon.




Samantala hindi naman nagustuhan ni Ivy ang mga sinabi ni Tyron sa press conference. Labis siyang nasasaktan at hindi matanggap ang katotohanan. Para siyang baliw na kinakausap ang sarili habang papunta sa opisina ni Tyron. Pagdating niya doon walang katok katok na pumasok siya. Lalo siyang nagulat nang maabutan ang eksenang paghahalikan ng mag-asawa.





"Hindi ka ba marunong kumatok?" Galit na sabi ni Tyron sa'kanya. "Anyway, ano'ng kailangan mo?" Tanong nito sa'kanya.




Tumitig muna siya kay Tyron bago kay Aina. Pagkatapos yumuko siya para pigilan ang emosyon. Tapos muli siyang tumingin sa mag-asawa.




"Gusto ko lang sana itanong kung kumusta yung meeting mo kay Mister Andrada kahapon?" Palusot niya.




"Hindi mo pa ba binasa yung pinadala kong folder sa'yo?" Balik-tanong ni Tyron.




She shook her head. "I forgot."




"Tsk! Ikaw ang vice president tapos hindi mo ginagawa trabaho mo? Tss" pagsusungit ni Tyron. Nasaktan siya dahil sa ganung pagtrato nito sa'kanya.




"I'm sorry." She apologized bago nagmamadaling lumabas.




Napahilot naman ng sintido si Tyron pag-alis ni Ivy.




"I think you're too much. You should apologize to her." Seryosong sabi ni Aina.




"Apologize to her? No way! No freaking way, Aina. She's the one who should apologize to you." Pagmamatigas ni Tyron.





"Tyron, I'm sure hindi naman niya sinasadya yung ginawa niya sa'kin. Alam mong hindi niya alam na asawa mo ako."




"No! Kahit na, hindi pa din niya dapat ginawa yun. Humingi muna siya ng tawad sa'yo. Bago ako hihingi ng tawad sa'kanya."




"Tyron..."




"Wife, enough. Please ayaw ko makipagtalo. Back to work." Pagtatapos niya ng usapan.





Hindi naman na nagpumilit si Aina. Baka sila pa ang mag-away sa huli. Bumalik na rin siya sa'kanyang mesa upang tapusin ang trabaho.





| CANTEEN |




"What do you want to eat?" Tanong ni Tyron pagpasok nila sa canteen.




"Gusto ko yung cheese burger nila dito." Sagot naman ni Aina.




"Burger lang? Wife, lunch na dapat kumain ka ng kanin." Kontra ni Tyron sa asawa.




Agad naman sumimangot si Aina. "Basta gusto ko 'yon."





"Okay."




Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon