❣Aina Jade's POV❣
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. At puro puti ang nakikita ko.
'Nasa langit na ba ako?'
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong napatingin sa gawi no'n. Isang matangkad, guwapo, mistiso at nakaputing lalaki ang pumasok.
'Siya na ba ang anghel na susundo sa'kin?'
"Hi! I'm glad you're awake." Masayang bati niya.
'Oo nga, siya na nga siguro ang sundo ko.'
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Sira ulo ba siya? May tao ba okay lang after mamatay?
"Handa na ako. Sige na, kunin mo na ako. Atat na atat ka naman dahil ako sa langit." Pagsusungit ko sa'kanya.
Mataman niya akong tinitigan pagkatapos tumawa siya ng marahan. Yung tawa na sobrang nakakaguwapo. Marahan pero sobrang hot pakinggan. Sh*t! Susunduin na nga ako't lahat nakukuha ko pang lumandi.
"You know what? You're so cute." Aniya sabay tawa. Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "Hindi ka pa patay. You're still alive. Pasalamat ka dumaan ako sa lugar na 'yon. Kung nagkataong hindi, baka nagawan ka na nila ng masama." Sabi niya.
Oo nga pala, muntik na akong magahasa. Teka, ano'ng sinabi niya? Tumingin ako sa'kanya. "Ikaw 'yong bumusina?"
Tumango-tango siya.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Wala siyang bahid na galing sa pakikipaglaban.
"Nag change na ako kaya wala ng dugo." Aniya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Mind reader ba siya? Ngumiti siya sa'kin. "Kahapon ka pa dito."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kahapon?" Bigla kong naalala si Ethan. Sigurado sobrang nag-aalala na 'yon sa'kin. "Amp...may cellphone ka ba?"
"Yes, why?"
"Pwede ko ba mahiram? May tatawagan lang ako. Siguradong nag-aalala na siya sa'kin." Sabi ko.
"Oh, sure." Sabi niya sabay dukot sa bulsa at binigay sa'kin.
Mabilis kong dinial ang number ni Ethan. Buti na lang at kabisado ko ang number niya.
📞Ethan: Hello Dwane? Napatawag ka?
Nangunot noo ko sa sinabi ni Ethan. Pagkatapos napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Dwane? Magkakilala sila ni Ethan?
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Novela JuvenilHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34