*
Naglalakad si Tyron sa hallway nang may humila sa'kanya. Pagtingin niya si Aina. Hindi na siya umangal at nagpatangay na lang siya dito. Dinala siya nito sa science garden. Pinaupo sa bench at naghahanda ng panlinis sa pumutok niyang labi.
"Aina?"
"Bakit mo ginawa 'yon?" Galit na tanong nito sa'kanya. Tapos diniinan ang pagdampi ng bulak sa sugat niya.
"Aw! Aw! Aina, dahan-dahan naman masakit eh." Reklamo niya habang napapapikit sa sakit.
"Magtiis ka." Sabi ni Aina sabay irap.
"Aina naman galit ka ba sa'kin?" Nakangusong sabi ni Tyron.
"Bakit nakakatuwa ba 'yong ginawa mo? Nananakit ka ng tao. Paano kung napuruhan ka do'n? Tyron, hindi ka na ba nag-iisip? Yung tao na 'yon delikado siya." Galit na galit habang umiiyak.
"Aina?" Sumeryoso si Tyron. "Umiiyak ka ba? Teka, bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ni Tyron kay Aina.
"Kasi gago ka." Sagot naman ni Aina. "Ang gago mo! Pinag-alala mo ako ng sobrang gago ka." Humagulgol na ng iyak si Aina.
Malapad naman ang ngiti ni Tyron. "Nag-alala ka para sa'kin?"
Sumimangot si Aina. "Bakit parang masaya ka pa? Gago ka talaga 'no?" Pinaghahampas na siya ni Aina. Hinuli naman ni Tyron ang mga kamay nito.
"Ito naman masaya lang ako kasi nag-alala ka. Kaya dapat palagi akong nakikipag-away para mag-alala ka." Humagikhik si Tyron ng tawa. Napairap naman ng bongga si Aina sa'kanya.
"Sira ulo ka!"
Niyakap ni Tyron si Aina. "Huwag ka na magalit. Wala naman nangyari sa'kin. Tingnan mo oh!" Humiwalay siya at hinarap si Aina. "Pogi pa rin naman asawa mo. May kunting sugat sa labi. Pero pogi pa rin oh!" Sabi niya kay Aina.
Lalo naman sumama ang tingin ni Aina sa'kanya. "Galing mo! Nakukuha mo pa magyabang d'yan. Tss" inirapan siya nito pagkatapos humalukipkip.
"Ikaw naman, pinapatawa lang kita eh." Sabi ni Tyron.
"Pwes, hindi mabenta sa'kin ang joke mo." Sagot ni Aina.
"Sorry na." Yumuko si Tyron.
"Bakit ka ba kasi nakipag-away? Narinig ko sa mga studyante na nakasaksi ng away niyo. Ikaw daw una sumuntok. Bakit? Ano'ng pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?" Galit na sabi ni Aina.
Sumeryoso naman si Tyron. "Sa tingin mo ba? Magagawa kong sapakin 'yong gago na 'yon ng walang dahilan?"
Napatingin bigla si Aina sa'kanya.
"Aina hindi ako gano'ng tao. Hindi ako basta nananakit ng walang dahilan." Humugot ng malalim na hininga si Tyron. "Ininsulto at pinapalabas niyang bayaran kang babae." Nanlaki ang mga mata ni Aina sa narinig niya. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. "Syempre asawa kita. Kaya pinagtanggol kita sa hayop na 'yon. Hindi ako papayag na niruruyakan niya ang pagkatao ng mahal kong asawa. Magkamatayan na Aina, pero hindi ko hahayaang gawin nila sa'yo 'yon. Lalaban ako ng patayan kapag ikaw na ang pinag-uusapan."
Napayakap siya ng mahigpit na mahigpit kay Tyron. Nagulat naman si Tyron sa ginawa niya. Napangiti si Tyron at hinayaan si Aina na yakapin siya ng mahigpit. Matagal niyang inasam na mangyari 'to. Ang maramdaman ang init ng yakap ni Aina. Yung yakap na alam niyang kusang loob na binigay ni Aina sa'kanya. Matagal-tagal din silang magkayakap bago naghiwalay.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34