***
Excited si Tyron habang pabalik ng opisina. Binili niya kasi ng mangga at bagoong si Aina. Sigurado siyang magugustuhan ito ng asawa. Nag tanong kasi siya kay Manang Rosing kung ano madalas kainin ng mga buntis. At isa nga sa mga nabanggit nito ang mangga at bagoong.
Napangiti siya ng makarating sa tapat ng building. Agad niyang pinarada ang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob. Habang nasa elevator paakyat ng eight floor bigla siyang kinabahan.
*TING*
Lumakas pa ang kaba niya paglabas niya ng elevator. Si Aina lang ang pumasok sa isip niya at mabilis na tinungo ang cubicle nito. Pagliko napansin niya agad ang maraming empleyado na tila nanonood ng fight scene.
"What's happening here?" Tanong niya sa isang empleyado. Nagulat pa ito nang makita siya.
"Sir, si Miss Gonzales at si Miss Ivy nagkasagutan. Ayun nga ho at pinapakaladkad palabas ng building si Miss Gonzales." Sagot nito.
Hindi na siya nagsalita. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa kinaroroonan ng mga nag-aaway. Mabilis niyang nakita si Ivy na nakatayo sa tapat ng desk ni Aina. Pero si Aina hindi agad nahagilap ng mga mata niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Sige na itapon niyo na 'yan palabas ng building." Rinig niyang utos n Ivy. Kaya hinawi niya ang mga tao para mabilis siyang makalapit sa mga ito. Gayon na lang ang gulat niya nang makitang walang malay si Aina. Para siyang nilipad papunta sa kinaroroonan nito. At pinagtutulak palayo ang dalawang guard.
"Aina, Aina?" Tinampal-tampal niya ang pisngi ng asawa. "Hey! Aina!" Pero hindi ito nagigising. Biglang dumilim ang awra niya at tumingin ng masama sa dalawang guard. "Ano'ng ginawa niyo sa'kanya?!" Nakakatakot niyang sigaw.
"Sir wala naman ho kaming ginawa sa'kanya. Nung dadalhin na dapat namin siya bigla siyang nahimatay." Paliwanag nung isang guard.
Naningkit ang mga mata niya. "At saan niyo naman siya balak dalhin?" Nag-aalab ang mga mata niya sa galit.
"Huwag sila ang pagalitan mo. Ako ang nag-utos sa'kanila na ialis dito ang babaeng 'yan." Si Ivy ang sumagot na lalong nagpainit ng ulo niya.
He clenched his jaw. "At bakit mo siya sapilitang pinapaalis?" Gigil na gigil niyang tanong kay Ivy.
"Pinuntahan ko siya para komprontahin. Tinanong ko siya kung bakit natutulog siya sa opisina mo. Imbes na sagutin ako ng maayos. Kung anu-ano sinagot niya sa'kin. Ininsulto niya ako at muntik pang saktan. Kaya tinanggal ko siya sa trabaho at pinaalis. Pero nag matigas siya kaya nagpatawag na ako ng security guard." Paliwanag ni Ivy with paawa effect pa.
Hindi nagsalita si Tyron. Nakuyom niya ang kamao. At pilit pinapakalma ang sarili. Tinawag niya ang dalawang guard at pinaalalay sa'kanila si Aina. Tapos galit na galit siyang humarap kay Ivy.
"Sino ka para gawin 'yon sa'kanya? Sino ka para tanggalin siya at palayasin sa sarili kong kompanya? Ha? Oo, vice president ka pero wala kang karapatan na apihin at tratuhin ng ganyan ang asawa ko." May diin at galit ang bawat bigkas ni Tyron sa mga salitang binitiwan niya. Lalo na sa salitang asawa. Bago niya nilapitan si Aina at binuhat ito upang dahil sa ospital. Pero bago siya tuluyang umalis tumingin siya ulit kay Ivy pati sa mga empleyadong nanonood. "Ipagdasal mo, niyong lahat na walang masamang mangyari sa mag-ina ko. Kung hindi, ihanda niyo na lang ang mga sarili niyo." Banta niya bago siya tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34