KABANATA : 2.

5.3K 88 1
                                    

***

"Aina! Aina! Aina!" Tawag sa'kanya ng tiya Mila niya. "Punyeta! Aina, nasaan ka ba?!" Galit na galit na sigaw nito.

Nagkukumahog naman si Aina paakyat sa taas. Galing siya sa sapa at naglaba na inutos ng mga pinsan niya. Kaya't nang marinig niya ang malakas na pag tawag ng kanyang tiya. Nagtatatakbo siya bitbit ang mga nilabhan. Muntikan pa siyang madapa dahil may kabigatan rin ang mga nilabhan niyang damit. Sa sobrang dami ng mga pinalaba sa'kanya.

"Aina!" Nakakabinging tawag sa pangalan niya. Ang bumungad sa'kanya pag-akyat na pag-akyat niya. Mabilis siyang tumakbo palapit sa tiyahin. Nanginginig man sa takot pero wala siyang choice. Siguradong mabubugbog siya nito kapag hindi niya pa ito lapitan.

"Tiya, nandito na po ako. Pasensya na po kasi pinag---" isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang sumalubong sa'kanya.

"Buwisit kang bata ka! Halos mapaos na ako kakatawag sa'yo. Saang lupalop ka ba nagpunta? At hindi mo narinig ang pagtawag ko sa'yo?! Ha?! Lumalandi ka na rin ba? Ha!" Hinawakan siya nito sa buhok at hinila papasok ng bahay.

"Tiya, tiya tama na po. Maawa po kayo sa'kin. Tiya..." umiiyak na nagmamakaawa siya sa'kanyang tiyahin. Ngunit nagpatuloy lang ito sa paghila sa buhok niya. Pakiramdam niya matatanggal na ang kanyang buhok sa anit. Kinastigo siya nito hanggang sa mapagod ito. "'Yan siguro naman magtatanda ka nang buwisit ka! Buwisit! Simula nang dumating kayo sa bahay na 'to. Puro kamalasan na lang ang binigay niyo sa akin." Panunumbat pa nito.

Samantala mula sa silid nilang mag-ama. Rinig na rinig ng ama ni Aina ang palahaw ng anak. Gusto man niyang tulungan ang anak. Ngunit hindi na niya magawa. Sapagka't hindi na niya maigalaw ang mga paa. Gano'n din ang kanyang kanang kamay. Wala siya ibang nagawa kundi ang umiyak. Masakit sa kalooban niya na dinadanas ng anak ang ganitong kalupitan. Ngunit wala siyang magawa. Gustuhin man niyang itakas palayo si Aina. Wala siyang lakas para magawa 'yon. Pinagdarasal na lamang niya na may taong tumulong kay Aina.

Nakita niya ang pagbukas ng kurtina. Na tanging nagsisilbi nilang pintuan.

Lumapit ang nakangiting anak. Pero hindi maikakaila na galing ito sa matinding pag-iyak. Dahil mamasa-masa pa ang mga mata nito.

"Anak, patawarin mo si Tatay. Patawad kung wala akong magawa." Umiiyak siya habang humihingi ng tawad.

"Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad. Wala po kayong kasalanan Tay. Hindi niyo po kasalanan kung malupit si Tiya." Umiiyak na sabi ni Aina sa ama.

"Anak, tumakas ka na dito. Iwan muna ako. Ayaw na kitang marinig o makitang nasasaktan. Pumunta ka sa maynila. Hanapin mo ang pamilya ni George Hunt. Sabihin mo apo ka ni Joselito Gonzales. Makikilala niya ang lolo mo. At malaki ang maitutulong niya sa'yo." Desperadong sabi ni Roel sa'kanyang anak. Bigla naman naguluhan ang dalaga.

"Tay, ano ba 'yang sinasabi mo? Bakit ko naman po gagawin 'yon? Hindi ko po kayo kayang abandunahin. Tatay ko po kayo. At kahit sobra pa akong mahirapan at masaktan. Hinding-hindi ko po kayo iiwan dito. Dito lang po ako habang nandito po kayo. Hindi ko po kayo iiwan." Umiiyak na niyakap ni Aina ang ama.

Maagang naulila si Aina ng kanyang ina. Limang taon gulang siya ng mamatay ito dahil sa sakit na cancer. Dahil sa kakapusan sa pera hindi nila ito nabigyan ng sapat na gamutan. Naibenta pa ni Roel ang namana niyang lupa sa yumao nitong ama. Para lang may maipangbili ng gamot sa asawa. Wala siyang pinagsisisihan na ginawa 'yon. Dahil para naman 'yon sa mahal niyang asawa. Nang mamatay ang asawa niya. Kinailangan na nilang maghanap ng matitirahang mag-ama. Doon naman nag volunteer ang nakababatang kapatid ng yumao niyang asawa na patirahin sila sa bahay nito. No'ng una maayos naman ang pakikitungo ng mag-iina sa'kanilang mag-ama. Ngunit nagbago ang lahat ng ma-stroke siya. Ginawa nilang alila si Aina at pinahinto pa sa pag-aaral. Halos araw-araw din nakakatikim ng bugbog ang anak. At bilang ama ni Aina, masakit para sa'kanya. Na nararanasan ng anak ang matinding kalupitan.






Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon