KABANATA - 34.

3.4K 70 2
                                    

*



Tahimik sila habang kumakain. Walang gustong magsalita. Panay sulyap ni Tyron kay Aina. Ninenerbiyos naman si Aina sa ginagawa ni Tyron.



"Ahem! Kanin pa oh!" Alok ni Aina sa binata.



"No. I'm okay." He said and smiled at her.



Hindi na umimik si Aina. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Nang matapos sila kumain. Tinulungan siya ni Tyron mag ligpit.



"Ako na." Inagaw ni Aina ang plato kay Tyron. Pero hindi hinayaan ng binata na makuha ito.



"Ako na." Aniya tapos dumiritso sa lababo. Hinayaan na lang siya ni Aina.



After nila maligpit lahat. Pumwesto si Tyron sa harap ng lababo.



"Ano'ng gagawin mo?" Tanong ni Aina.



"Maghuhugas." Matipid na sagot ng binata.



"Hindi, ako na." Mabilis inagaw ni Aina ang sponge sa kamay ni Tyron. Pero agad din iyong kinuha ng binata.



"Ako na." Tapos nilagyan ito ng dishwashing liquid.



"Tyron, ako na sabi eh." Pakiusap ni Aina pero hindi siya nito pinapakinggan. "Tyron!"



"Ako na. Ikaw na nga nagluto eh." Aniya.



"Kahit na, bisita kita dito." Si Aina.



"Ako na. Magpahinga ka na lang muna sa salas. O kaya manood ka ng tv. Kung ayaw mo naman, 'di panoorin mo akong maghugas dito." Nakangiting sabi niya. Napairap naman si Aina dito.



"Fine. Ayusin mo ah? Siguruhin mong malinis 'yan. Ido-double check ko 'yan mamaya." Naiinis na sabi ni Aina.



Ang totoo wala siyang balak na i-double check 'yon. Nahihiya lang talaga siya na ito ang maghuhugas. Alam naman niyang señorito ito. Pumunta siya sa sofa at binuksan ang tv. Palipat-lipat siya ng chanel. Wala siyang nagustuhan na palabas. Kaya nanood na lang siya ng Tom and Jerry. Natutuwa kasi siya tuwing nag-aaway ang pusa at daga.



~few minutes later~



Lumabas si Tyron mula sa kusina. Pagkatapos naupo sa isang sofa.



"Pahinga lang ako saglit. Bago ako uuwi." Pagpaparinig niya kay Aina na tumatawa sa pinapanood.



"Sige." Sagot naman ni Aina habang ang mga mata nakatuon pa rin sa tv.



Habang nagpapahinga si Tyron. Nakikinood din siya ng Tom and Jerry. Nagkakasabay pa silang tumawa kapag sobrang nakakatawa na iyong eksena.



~Brizk Brizk~
Calling...
Dwane.



Agad naman 'yong sinagot ni Aina.



📞Aina: Hello?



📞Dwane: Hi! Busy ka?



📞Aina: Hindi naman, nanonood lang ng tv.


📞Dwane: Miss you.



📞Aina: Dwane...


📞Dwane: I know, I know. Eh, namimiss naman talaga kita. By the way, ano pala pinag-usapan niyo ni Ethan kanina?



Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon