KABANATA - 45.

3.4K 83 4
                                    

| TIGERS TAMBAYAN |

After mag-usap nina Tyron at Aina. Niyaya niya ang mga kaibigan niyang uminom sa tambayan nila.

Gerald: Tyron, tama na iyan. Dami mo nang nainom!

Tyron: Hayaan mo lang ako, Ge. Kailangan kong malasing. Hindi ko na alam kung ano dapat kong gawin sa buhay ko. Palagi na lang nangyayari sa'kin 'to.

Ivan: Ano ba kasi problema mo, dre? Kanina ka pa namin tinatanong pero hindi mo naman sinasabi.

Tyron: *sighs* Hindi pa namin nasasabi ni Aina na nagkabalikan na kami, 'di ba?

"Woah!" Sabay sabay ng apat. Natigilan naman si Ethan sa balak niyang pag-inom ng beer.

Simon: Kayo masyado talagang malihim, ano? So, kaya mo ba kami tinawag para mag celebrate?

Uminom muna ng alak si Tyron.

Tyron: No. Nakipaghiwalay na naman siya sa'kin. Ginawa na naman niya iyong ginawa niya sa'kin seven years ago. Mas pinili na naman niyang isalba ang kompanya kaysa sa relasyon namin. Hindi ko na alam kung saan iyong mahal niya ako do'n?

At tuluyan na siyang umiyak. Nawalan ng kibo ang mga kaibigan niya. Awang-awa ang mga ito habang nakatingin sa'kanya.

Tyron: Bakit tuwing sinusubukan namin bumuo ng masayang relasyon. Atsaka naman dumarating ang mga mabibigat na problema. Ganito ba kaayaw ng tadhana na magkatuluyan kami?


He bitterly laughed.

Russel: Ano ba eksaktong nangyari? Bakit sinabi mong inulit na naman niya iyong nangyari seven years ago?

Gerald: Oo nga, baka gusto mong ikuwento sa'min.

Pinahid ni Tyron ang mga luha. Pagkatapos bumuwelo siya para ikuwento ang lahat.

Tyron: Alam niyo naman nangyari sa company 'di ba? Nagkaroon kami ng problema sa pagawaan. Under investigation pa rin iyon. Hindi kasi tumutugma iyong statement ng mga empleyado sa nangyari. Yung ibang investors nag back out. Yung iba namang dealers ni-rush kami. Nagkabuhol-buhol na iyong problema. Wala kami mapagkunan ng pera para ipantapal sa mga kailangan bayaran. Kahit ibenta ko pa lahat ng shares sa company. Hindi niyon matatapalan ang laki ng halaga na kailangan mabayaran. Sobrang stress ako sa mga nag daang araw. I don't know what to do. Kapag hind ko nagawan ng paraan 'to. Mawawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko.

He paused and drink with beer.


Tyron: Pero umaayon pa rin sa'kin ang pagkakataon. Kinausap ako ni Ivy and offered something para matulungan akong maiahon ang company. Pero hindi ko iyon tinanggap.

Ivan: What? Bakit hindi mo tinanggap?

He seriously looked at Ivan.

Tyron: Tinanggihan ko ang kasal na iniaalok niya. Kapalit ng pagtulong niya sa kompanya.

Nagulat ang lima sa sinabi ni Tyron.

Tyron: You know I can't do that. I can't marry someone I don't love. Isa pa may asawa na ako, si Aina. Mahal na mahal na mahal ko siya. At siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan. Kaso heto iniwan na naman niya ako para pakasalan ko daw si Ivy. Sinakripisyo na naman niya relasyon namin para sa company.

Tinungga niya ang alak hanggang maubos iyon.

Tyron: Isa pa.

Simon: Tama na dre.

Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon