❣️Aina Jade's POV❣️
Mag ala-una na ng madaling araw, pero hindi pa rin ako makatulog. Buti na lang walang pasok bukas. Bumaba ako ng bahay para mag timpla ng gatas. Mainam 'tong pampaantok. Habang nag titimpla hindi mawala sa isip ko kung bakit nagpunta si Tyron dito. May kailangan ba siya? Gusto ba niya akong makausap? Pinilig-pilig ko ang ulo ko. Hindi ko na dapat iniisip 'yon. Baka napadaan lang siya. Pagkatapos mag timpla ng gatas. Lumabas ako ng bahay at tumambay sa garden. Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay ko. Nagulat ako ng pasuray-suray na lalaki ang lumabas mula doon. Pero mas nagulat ako nang makilala siya. Si Tyron at palapit na siya sa gate.
"Aina! Aina, lumabas ka d'yan mag-usap tayo." Sigaw niya. Putspa iskandalo 'tong ginagawa niya.
Mabilis akong naglakad at pinagbuksan siya ng gate. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Aina, my beautiful Aina." Nakangising sabi niya. Tapos bahagya pa niyang hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ka pa rin nagbabago. Maganda ka pa rin Aina." Umiling-iling siya. "No. Mas gumanda ka ngayon." Sabi niya sabay tawa ng mapakla.
"Tyron, ano ba'ng ginagawa mo dito?"
"Ganyan ka ba mag entertain ng bisita? Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Namumungay ang mga mata at parang matutumba na siya habang nakatingin sa'kin.
Hindi na ako nagsalita. Inalalayan ko siyang maglakad papasok sa loob. Ipinasok ko siya sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa.
"Sandali lang, ikukuha lang kita ng maiinom." Sabi ko bago tumayo para pumunta ng kusina. Pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"I don't need anything." Seryosong sabi niya. Lasing siya pero alam ko nasa wisyo pa siya.
Binitawan niya kamay ko. At naupo ako sa sofa medyo malayo sa'kanya. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. At aaminin kong ninenerbyos ako ngayong nasa paligid ko lang siya.
He sighed. "Bakit mo 'yon nagawa sa'kin?" Basag niya sa katahimikan. Hindi ko inaasahan na itatanong niya ang bagay na 'yon. "Bakit mo ako sinaktan? Ano'ng dahilan mo para gawin sa'kin 'yon?" Nagiging emosyonal na ang boses niya.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. Ito na ba ang oras para sabihin sa'kanya ang totoo? Handa na ba siya malaman ang katotohanan?
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin. "Bakit hindi ka makapagsalita?"
"Mas mabuti siguro kung 'wag mo na lang ungkatin ang nakaraan. Hindi na rin naman mababawi no'n ang mga panahong nasayang. Ang importante masaya ka na ngayon." Sabi ko nang hindi tumitingin sa'kanya.
"Ha! Bakit Aina? Ayaw mo ba maalala kung paano mo ako pinagpalit sa pera? Ayaw mo ba maalala kung gaano ka kasamang babae? Nagmakaawa ako sa'yo para manatili ka lang sa'kin. Pero ano'ng ginawa mo? Pinagtabuyan mo ako palayo. Daig ko pa may nakakahawang sakit kung ipagtabuyan mo. Aina, wala akong gusto no'ng mga panahong 'yon kundi mag stay ka sa'kin. Nagpakababa ako para lang mag stay ka. Nilunok ko lahat ng pride na meron ako para sa'yo. Pero sa huli, sinaktan mo pa rin ako. Hindi mo na ako winasak, dinurog mo pa ako, Aina. Durog na durog ako no'n." Sumbat niya sa'kin. At hindi ko napigilan ang umiyak. "Now, for the last time. Gusto kong malaman, bakit mo 'yon nagawa sa'kin? 'Di ba pera lang habol mo? Bakit hindi ka nag stay? Kulang pa ba 'yong yaman na meron ako?" His voice broke.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34