♠️Ayame's POV♠️
"What?" Gulat na gulat ako sa sinabi ni Devon. Nandito kami ngayon sa dati nilang HQ.
"Paano nangyari 'yon?" Tanong naman ni Trevor.
"Hindi rin namin alam kung paano. Wala kaming mapagkunan ng impormasyon." Sagot ni Devon.
"Sina Troy nasubukan mo na bang kausapin?" Tanong ko.
"Wala sa bansa si Troy at Eva. Nag bakasyon sila sa japan." Sagot ni Devon.
"Sina Bruce at Brandon?" Tanong ni Trevor.
"Hindi ko sila makontak. Pero nag send na ako ng emals and messages sa'kanila." Sagot ni Devon.
"Eh, si Clinton?" Ako naman ang nagtanong.
"Papunta na siya dito. Sabi niya may mahalagang impormasyon daw siya na nakalap."
Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok si Clinton. Lumapit siya sa'kin at nakipag-beso. Masama naman ang tingin na pinukol ni Trevor. Grabe talaga 'tong lalaki na 'to. Selos agad? Jusme! Ang tatanda na namin selos pa rin. Tsk!
"So, Clinton may impormasyon ka daw na nakalap?" Diretsang tanong ko sa'kanya.
May inilapag naman siyang folder sa mesa. Ako ang kumuha no'n at bumungad sa'kin ang larawan. Larawan ng building na sinasabing bagong Spade. Mayroon din mga larawan ng mga teenager na nagsasanay. Nanlulumo ako sa nalaman ko ngayon. Gusto kong alamin kung bakit nabuo ulit ang Spade. At gusto kong malaman kung sino ang bumuo nito? At ano'ng purpose niya?
Naramdaman ko ang paghimas ng palad ni Trevor sa likod ko. "Are you okay?" He asked.
Umiling ako. "No. Trevor nag-aalala ako. Paano kung maulit ang masamang gawain ng Spade. At 'yang mga bata na 'yan. Sigurado ba tayong hindi sila tulad namin noon? Trevor, kailangan kong malaman kung ano'ng nangyayari. Bakit nabuo ulit ang Spade? Para saan at binuo ulit ito?" Sabi ko.
Hinawakan ako ni Trevor sa magkabilang-balikat. "Calm down. Malalaman din natin lahat ng 'to. Pero hindi ko gusto ang binabalak mong gawin. Ayame, hindi na 'to tulad ng dati. Hindi na dapat tayo ma-involve pa sa Spade. May pamilya na tayo Ayame. May mga anak na tayo. Si Tyler bata pa kailangan pa niya tayo. Paano kung sa gagawin mo mapahamak ka. Ayame, hindi ako papayag." Hindi pag sang-ayon ni Trevor sa iniisip ko.
"Trevor, nanggaling ako dito. Dati akong reyna ng Spade. Alam ko ang pasikot-sikot dito. Kaya ako lang rin mag-isa makakatuklas nito." Sabi ko kay Trevor.
"Ayame, magkaiba ang Spade noon at ngayon. Baka iba na rin ang pamamalakad nila. Ayame, hindi ako papayag. Okay? Please, I'm begging you. Don't do this." Nagmamakaawang sabi ni Trevor sa'kin.
Natahimik ako at nag-isip. May point siya. Hindi na 'to tulad ng dati. Pero gusto ko lang naman mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ko.
"Ayame, hindi mo kailangan pumasok sa Spade para malaman ang totoo. Pero kung ayaw mo papigil. We can do this. Tutulungan ka namin. Basta planuhin lang ng mabuti ang gagawin." Suhestiyon ni Devon.
"Sige, gawin natin 'yan." Sang-ayon ni Trevor. Tapos tumingin siya sa'kin. "Promise me, after nito kakalimutan na natin ang Spade." Sabi niya sa'kin.
"I promise."
Tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
-
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Fiksi RemajaHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34