KABANATA - 46.

3.4K 71 4
                                    

*




Kinabukasan, sabay kaming pumasok sa trabaho. Ayaw na nga akong papasukin ni Tyron. Pero pinagpilitan ko lang dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Baka mabaliw lang ako kung mag stay ako ng ganito kaaga. Tutal six weeks and four days pa lang naman si baby. Iingatan ko na lang ang sarili ko na 'wag mapahamak.




Sabay kaming pumasok ni Tyron sa building ng company. At iba ang tingin ng bawat empleyadong nakakakita sa'min. Lalo na no'ng hinatid niya ako sa cubicle ko.




"Salamat." Bulong ko.




"Anything for my beautiful wife." Nang-aakit na bulong niya.




I rolled my eyes. "Tama na ang landi." Sabi ko sabay taboy sa'kanya palayo. Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.




Masaya naman akong umupo sa tapat ng computer ko.





"Well, well, well two weeks ago no'ng binuhat ka ni Sir para dalhin sa clinic. Ngayon naman nilalandi mo na rin siya. Wow! Bilib din ako sa'yo, girl." Nang-iinsultong sabi ni Eya katapat ko lang kasi ang cubicle niya.




"Oo nga, girl. Hindi ka ba nahihiya? Kalat na kalat na dito na boyfriend ni Miss Ivy si sir. Tapos nakukuha mo pa siyang landiin? Sabagay, hindi na ako nagtataka. Yung mga tulad mo, kadalasan talaga nang-aakit ng mayaman para umangat sa buhay." Palatak naman ni Lydia, kaibigan ni Eya. Katabi naman siya ng cubicle ni Eya.




Kung hindi ako nagkakamali sila yung mga narinig kong nag-uusap two weeks ago. I took a deep breath. Nag focus ako sa trabaho at hindi sila inintindi. Bawal akong ma stress dahil buntis ako. Ayaw kong may masamang mangyari sa baby ko.




Pagsapit ng 10am isang text message ang na-recieve ko from Tyron.




<-----

Hey wife! Hindi ka ba nagugutom?

\_Tyron_/





Actually kanina pa kumakalam ang sikmura ko. May gusto akong kainin na hindi ko malaman kung ano?




----->

Nagugutom na nga eh, kaso hindi ko alam kung ano'ng gusto kong kainin. *sad emoji*

\_Sent_/





-




<-----

Wife, okay bilhan na lang kita ng pagkain.

\_Tyron_/





-




----->

~___~ Ano'ng pagkain naman? Baka hindi ko magustuhan 'yan ah?

\_Sent_/




-




<-----

Burger and fries sa burger king you want?

\_Tyron_/





Bigla akong na-excite sa sinabi niya.




----->

Yes, please! Make it five. Tapos bili ka ng banana ketchup. *heart eyes emoji*

Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon