[ 2 WEEKS LATER...]
Nakalabas na ng ospital si Aina. Minor injury lang ang natamo niya. And within two weeks madali siyang naka-recover. Unlike Tyron na nagkaroon ng internal injury. Isang linggo matapos ang aksidente nagkamalay si Tyron. Pero wala siyang makita. Pumasok kasi lahat ng bubog ng salamin ng sasakyan sa mga mata niya. At ayon sa doctor may posibilidad na tuluyan siyang mabulag. Patuloy naman ang pag-usad ng imbestigasyon sa aksidenteng kinasangkutan ng mag-asawa. Gano'n rin sina Ayame nagsagawa sila ng sarili nilang pagsisiyasat sa nangyari. Batid nila na may kinalaman dito ang Spade.
Samantala, sa nakalipas na dalawang linggo hindi pa rin nagkikita sina Aina at Tyron. Tuwing dadalaw ang mga magulang at kaibigan ni Tyron sa'kanya. Palagi niyang tinatanong si Aina sa mga ito. Malungkot siya na hindi man lang siya maisip dalawin ng asawa.
Narinig ni Tyron ang pagbukas sara ng pinto. Narinig rin niya ang mga yabag na papalapit sa higaan niya.
"Sino 'yan?" Tanong niya.
"Ako 'to dre." Si Ivan ang sumagot.
"Ivan?"
"Yes."
"Pinakaba mo ako do'n dre." Sabi ni Tyron sabay hawak sa kaliwang dibdib.
"Kumusta?" Tanong ni Ivan.
"Heto, wala pa rin makita." Malungkot na sagot niya.
"Ano ba'ng sabi ng doctor? May pag-asa ka pa raw ba makakita?" Seryosong tanong ni Tyron.
"Hmmm...kung mabilis daw akong madadala sa America." Sagot ni Tyron.
"America? Bakit, hindi ba kayang gamutin 'yan dito sa pinas?"
"Pwede naman, kaso mas maganda kung sa America. Mas mapapabilis ang recovery ko. Atsaka naka-plano na rin naman pag punta namin do'n. So, wala na magiging problema." Sagot ni Tyron.
"I see."
"Dre, pumapasok na ba si Aina?" Nag-aalangang tanong ni Tyron kay Ivan.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Hindi ko lang napansin." Sagot ni Ivan.
"Gano'n ba? Kapag nakita mo siya, pakisabi dalawin naman niya ako sa ospital. Miss na miss ko na siya." Malungkot na sabi ni Tyron.
"Sige dre." Tinap ni Ivan si Tyron bago nagpaalam na umuwi.
Naiwan si Tyron na magulo ang isip. Samu't saring alalahanin ang naiisip niya. At posibleng dahilan kaya hindi dumadalaw si Aina sa'kanya. Bumalik siya sa wisyo ng marinig ang pagbukas sara ng pinto.
"Dre?"
"T-tyron?" Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang tinig ni Aina.
"Aina, ikaw ba 'yan?"
"Ako nga."
Masayang hinagalip ng kamay niya si Aina. Pero hindi niya ito mahawakan dahil medyo malayo ito sa'kanya.
"Aina, bakit ang layo mo? Miss na miss na miss kita. Sobrang saya ko na malamang okay ka lang at walang masamang nangyari sa'yo." Sabi ni Tyron sa malungkot na tono.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34