*
Pagdating nila sa bayan ng catarman. Nag check in sila sa hotel. Pagkatapos nagpa-book agad ng flight si Tyron para makaalis sila ng umaga kinabukasan.
"Salamat." Sabi ni Aina sa binata. Nasa iisang silid lang sila with two bed rooms. Wala na kasi ibang bakanteng room. Occupied lahat dahil maraming tourists.
"No problem." Matipid na sagot ni Tyron.
Bigla naman naalala ng dalaga ang sinabi ng binata kanina.
"Ah, ano nga pala ibig sabihin mo kanina? Yung sinabi mo kay tiya na nagpunta ka dito para---"
"Huwag mo na muna isipin 'yon. Sila mom and dad na ang bahalang mag paliwanag sa'yo. I'm hungry. Kung tapos ka na d'yan. Sumama ka sa'kin sa labas. Maghahanap tayo ng kakainan." Sabi ni Tyron sa dalaga. Tumango naman si Aina at minadaling tapusin ang ginagawa.
"Okay na." Sabi ni Aina.
Tumayo na ang binata. "Let's go!" Nagpatiunang maglakad ang binata. Nakasunod lang ang dalaga sa'kanya.
Nakahanap sila ng kainan malapit lang sa hotel na tinuluyan nila. Omorder sila ng sapat lang na pagkain. Tapos nagpabalot si Tyron para kay Mang Lester.
"Eat it." Binigyan ng steak ni Tyron si Aina.
"S-salamat." Nahihiyang sabi ni Aina sa binata.
"You're so thin. Hindi ka ba pinapakain do'n?" Nakakunot-noong tanong ni Tyron.
Napayuko si Aina. Napailing-iling naman si Tyron. Moody at masungit lang si Tyron. Pero may soft side pa rin siya. Tulad ng kanyang ina.
"Alright, bilisan mo na kumain d'yan. Gusto ko na rin magpahinga pagkatapos." Sabi ni Tyron.
Wala na silang imikan habang kumakain. Hanggang sa matapos sila at makabalik sa hotel. Nag shower muna si Tyron bago nag pahinga. Gano'n rin ang ginawa ni Aina. Wala pa rin kasi siyang ligo nang umalis sila sa bahay ng kanyang tiyahin. Mabilis lang sila nakatulog lalo na si Aina na halos walang pahinga mag damag. Yun ang dahilan kaya nakabasag na naman siya ng gamit kanina habang naglilinis siya. Antok na antok kasi siya habang naglilinis ng sahig. Kaya natabig niya ang isa sa mga babasaging figurine ng kanyang tiya. Nagalit ang tiyahin niya at nakatikim na naman siya ng bugbog mula rito. 'Yon naman 'yong mga oras na nagising si Tyron at pinagtanggol siya.
Kinabukasan, maaga silang nagising at pumunta sa airport. 7:00am kasi ang flight nila papuntang maynila. At habang palapit ng palapit ang oras. Nakakaramdam naman ng kaba si Aina. First time niyang makakarating sa maynila. At wala siya ni isang kakilala doon. Wala rin siyang kamag-anak na tutuluyan. Pero bahala na basta ang importante makalayo siya sa'kanyang malupit na tiyahin.
* After Three Hours *
Nakarating rin sila sa mansion ng mga Hunt. Manghang-mangha si Aina nang makita ang napakalaki at napakagandang bahay nina Tyron.
"Hey! What are you waiting for? Pasok na!" Sabi ni Tyron sa'kanya.
Mabilis naman siyang sumunod kay Tyron. Pagpasok nila sa loob sinalubong sila ni Rosing ang mayor doma ng pamilya.
"Maligayang pagdating Hija!" Bati ni Manang Rosing kay Aina.
"Salamat po." Sagot naman ni Aina.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34