KABANATA : 3.

4.6K 70 2
                                    



















*









"Wala ka ba balak umuwi dre?" Tanong ni Ivan. Alas dyes na ng gabi. Pero nasa bahay pa rin nila si Tyron.



Tumingin ang seryosong binata kay Ivan. "Pwede ba akong makitulog dito?"



Nagulat si Ivan sa narinig niya. "Seryoso ka ba d'yan dre?"



Tumango-tango si Tyron.



"Pwede naman dre. Kaso alam na ba ng parents mo 'yan?" Tanong ni Ivan.



Yumuko si Tyron. "No." Sagot niya.



"Paalam ka muna dre. Mamaya mag-alala 'yong mga 'yon eh," sabi ni Ivan.



Tumayo naman ang binata. "Sige kung ayaw mo, 'wag na lang." namulsa pagkatapos naglakad palabas ng bahay nila. Napakamot naman ulo si Ivan na sumunod kay Tyron.



"Dre, saan ka pupunta?" Tanong niya dito habang nakasunod pa rin sa binata.



"Maghahanap ng matutulugan." Cold na sagot nito.



Napabuntong-hininga si Ivan. "Huwag ka na umalis. Ipapahanda ko na ang tutulugan mo." Sabi ni Ivan na ikinatigil ni Tyron. Pagkatapos walang sali-salita na muling naglakad pabalik.


Napapailing na lang na sumunod si Ivan.



Dumiritso sa taas si Ivan at naghanap ng maipapahiram ng damit kay Tyron. Nakakita siya ng pares na t-shirt and short. Pagkatapos kumuha siya sa storage room ng bagong underwear. 'Saka muling bumaba para iabot 'yon sa kaibigan.



"Here, pamalit mo." Sabay abot kay Tyron.



Agad namang kinuha ni Tyron ang damit na iniabot ni Ivan. "Thanks."



"Sya nga pala, natawagan ko na parents mo sinabi kong nandito ka." Imporma ni Ivan.



"K." Walang ganang sagot nito.



"Dre, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Ivan.



"No. Pwede na ba akong matulog?" Si Tyron.



"Ah, oo halika sumama ka sa'kin." Sabi ni Ivan 'saka naglakad papunta sa taas ng bahay nila. Dinala niya si Tyron sa silid na tutulugan nito. "Sige dre, maiwan na kita dito." Paalam ni Ivan.



"Thanks."


Pag-alis ni Ivan pumasok naman siya sa loob ng silid. Pagkatapos dumiritso siya sa shower room. After niya mag shower naghanda na siya para matulog.



Habang nakahiga siya naalala pa rin niya ang sinabi ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na kailangan niyang magpakasal sa babaeng hindi naman niya kilala. Higit sa lahat hindi niya gusto. Ni wala siyang idea kung anong klase ba itong tao. Gusto niya magalit dahil do'n. Pero hindi niya magawa. Nalaman niya mismo sa'kanyang ama kung bakit kailangan niyang gawin ito. At gusto na lang niya na tuluyan ng maglaho sa mundo.


-



Kinabukasan, gabi na siya umuwi sa bahay nila. Sinalubong agad siya ng nag-aalala niyang ina.



"Anak, mabuti naman at umuwi ka na." Masayang niyakap ni Ayame si Tyron.



"Mom, I'm tired." Cold na sabi niya sa ina. Pagkatapos malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa hagdan.



Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon