KABANATA - 36.

3.3K 62 5
                                    

***




Kinabukasan, masayang gumising si Tyron. Kahit ramdam niya ang hangover hindi niya iyon ininda. Pinalinis niya ang buong bahay. Pinaluto niya ng masarap na pagkain si Manang Rosing. Pumunta siya sa mall para mag pagupit ng buhok. Tapos nag-ahit siya ng balbas. Gusto niya maging maayos ang itsura niya sa muling pagbabalik ni Aina.



"Kuya!" Tawag ni Tyler sa'kanya pagbaba niya ng hagdan.



"Yes?"



"You're so weird today." Tinaas ang kilay nito. "Wait, may nangyari ba na hindi ko alam?"



Ngumiti si Tyron. "Guess what?"



"Share it!"



"Babalik na si Aina dito sa bahay." He excitedly said.



Nanlaki naman mga mata ni Tyler. "Really? Totoo ba 'yan? Hindi ka ba nagbibiro?" Sunud-sunod na tanong naman nito sa'kanya.




"I'm serious."




"Wow! That's good news kuya." Masayang sabi ni Tyler. Matagal na kasi nitong hinihiling na bumalik si Aina sa bahay nila.



Biglang sumeryoso si Tyron. "Pero isang buwan lang siya dito." Malungkot niyang sabi.




Nawala naman ang saya sa mukha ni Tyler. "Why?"



Kinuwento ni Tyron ang nangyari.



"Woah! Kuya naman, sabi ko ligawan mo ulit. Hindi ko sinabing manlimos ka ng pagmamahal for one month." Medyo galit ang tono ni Tyler.



"Desperado na ang kuya mo. Kapag hindi ko iyon ginawa baka mawala na siya ng tuluyan sa'kin." Malungkot naman niyang sabi sa kapatid.



Nakaramdam ng habag si Tyler sa kuya niya. Nilapitan niya ito at tinapik sa braso. "Kahit tanga ka, support pa rin kita. Aw--" binatukan kasi siya nito.



"Loko ka! Kuya mo pa rin ako ah? Maka-tanga ka dyan wagas eh," napairap si Tyron sa kapatid. Tinawanan naman siya ni Tyler.



"Bakit, hindi ba katangahan move 'yon?" Natatawang sabi pa nito.



"Shut up! Mabuti na 'to kaysa walang ginawa. Sa'yo na rin nanggaling na kailangan may gawin 'di ba?" Depensa ni Tyron sa sarili.



"Oo nga, sinabi ko 'yon. Pero wala akong matandaan na sinabi ko sa'yong manlimos ka ng atensyon at pagmamahal." Sumeryoso na si Tyler. "Kuya, gusto ko bumalik si Ate Aina. Pero hindi sa ganitong paraan."



"But this is the easiest thing to do." Si Tyron.



"If you say so. Basta kapag may kailangan ka. Nandito lang ako palagi." Tinapik siya nito sa braso bago iniwan.




Nalungkot naman siya dahil may point ang sinabi ng kapatid. Pero ito na lang ang natitirang paraan para mabawi niya si Aina. Kahit magmukha siyang desperado sa paningin ng iba. Wala na siyang pakialam. Basta mahal niya ito at gagawin niya lahat bumalik lang sila sa dati.





-




Kinagabihan, huminto ang isang taxi lulan nito si Aina. Masaya itong sinalubong ni Tyron.




"Akin na 'yang gamit mo." Sabi niya sabay kuha ng maleta.




"Salamat." Nahihiyang sabi naman ni Aina.




Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon