KABANATA : 10

4.3K 88 4
                                    

| SCHOOL CANTEEN |

Tahimik lang sila habang kumakain. Walang may gustong magsalita.

Gerald: Guys, ano? May lamay ba? Daig niyo pa namatayan eh.

Napatingin silang lahat kay Gerald. Except Tyron as usual wala na naman pakialam.




Ivan: Tyron, ano pala sinabi ni Coach Lee sa'yo kanina?




Doon lang napukaw ang atensyon ni Tyron.




Tyron: Kailangan daw natin dalasan ang pag papractise. Next month mag-uumpisa na raw ang sports fest.




Paliwanag ng binata pagkatapos nagpatuloy na sa pagkain.




Russel: Paano dadalasan? Eh, kulang nga tayo. Si Ethan hindi nag practise kanina. Tinext ko sabi hindi daw muna siya mag papractise bukas.




Gerald: Ano ba nangyayari do'n? May nakakaalam ba sa'inyo kung may problema siya?




Natigilan sa pagsubo si Aina nang marinig 'yon. Bigla siyang nag-alala para kay Ethan.




Simon: Kaya nga, nagtataka rin ako kasi hindi naman gawain ng taong 'yon umabsent. Pero umabsent siya kanina.




Nagulat si Aina sa sinabi ni Simon. Nakita niya kanina si Ethan. Paanong hindi ito pumasok?




Aina: Sigurado ba kayong hindi siya pumasok?




Natuon sa'kanya ang tingin ng apat na binata pati si Tyron.




Gerald: Oo naman, hindi naman kami mga bulag Aina. *laughs* joke. Bakit mo pala natanong?




Aina: Nakasalubong ko kasi siya kanina. Kaya nagulat ako nang marinig ko na hindi pala siya pumasok.




May pag-alalang himig ni Aina.




Tyron: Ano naman sa'yo ngayon kung hindi siya pumasok? *frown*




Hindi nakaimik si Aina. Bigla rin siyang napaisip sa sinabi ni Tyron. Kaya pinili na lang niyang manahimik.




"Hi boys!" Sabay sabay na bati no'ng apat na babae. Pagkatapos nagkanya-kanya na sila ng upo.




Gerald: Ba't ngayon lang kayo girls?




Cienne: May pinasa kasi kaming report kay Sir Arman. Kaya dumaan muna kami sa faculty room.




Gerald: Gano'n ba?




Maxine: Yup. Wait, nasaan si Ethan?




Ivan: Hindi siya pumasok.




Kiana: What? Pero nakita ko siya kanina sa campus. Are you sure hindi talaga siya pumasok?




Ivan: Yes.




Kiana: That's weird. Am I hallucinating?




Lianne: Baka naman mali ka lang ng nakita.




Kiana: No. Alam ko siya 'yon.




Disididong sabi ni Kiana. Nakikinig lang si Aina. Gusto niya sanang sabihin dito na tama siya ng nakita. Pero mas pinili na lang niya manahimik.




Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon