❣️Aina Jade's POV❣️
Itinabi ni Tyron ang sasakyan niya at humarap sa'kin.
"What did you just say? Aina, did you really...did you really say that?"
Tumango ako.
"You mean, may nararamdaman ka na rin para sa'kin? M-mahal mo na rin ako? For real?"
Tumango ako. "For real. Walang halong biro. Totoong mahal na na rin kita Tyron. Sorry kung---" hindi ko na natapos ang pangungusap ko dahil hinalikan niya ako sa labi. Mariin, mapusok at puno ng pananabik. Napapikit na lang ako at tinugon ang bawat halik niya.
Napakasaya ko ngayon. Sa wakas, naamin ko rin sa'kanya ang nararamdaman ko.
Kapwa kami hingal ng maghiwalay. "I love you Aina."
"I love you too Tyron." Buong puso kong tugon. At sa pagkakataong ito ako na ang unang humalik sa'kanya. Mas matagal at punong-puno ng pagmamahal.
Nang muli kaming mag hiwalay. Pinagdikit niya ang mga noo namin. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Sa wakas, inamin mo rin sa'kin na mahal mo ako."
Napakunot-noo ako. "Bakit sa tono mo parang alam mo na?" Nagtataka kong tanong.
Ngumiti siya sa'kin tapos umayos ng pagkakaupo. "Aina, hindi ako manhid. Kaya ramdam na ramdam ko na may nararamdaman ka rin para sa'kin. Binigyan lang kita ng oras para ma-realized mo 'yon." Sabi niya.
"Paano pala kung hindi ko na-realized?"
"Eh, 'di ipapa-realized ko sa'yo." Natatawang sagot niya. "No need for that now. Ang importante nasabi mo ng mahal mo rin ako." Nginitian niya ako. "Wala nang bawian 'yan. Hanggang kamatayan na 'to Aina." Sumeryoso siya sa huli niyang sinabi.
"Promise sa'yo lang ako." Sincere kong pangako.
"At sa'yo lang rin ako, Misis ko." Sincere rin niyang pangako.
At muli siniil niya ako ng halik. Pero mabilis lang humiwalay din agad siya.
"A kissed of promise." Sabi niya bago muling binuhay ang engine. Bumyahe kami pauwi ng may ngiti sa mga labi.
♠️Ayame's POV♠️
Troy: Ano'ng mayroon? Bakit mo kami pinatawag dito Ayame?
"Alam ko hindi na dapat kayo ma-involve dito. Pero kailangan ko ng tulong niyo. Hindi ko 'to magagawang mag-isa." Sabi ko.
Eva: May problema ba?
"Nabuo na ulit ang Spade." Sagot ko.
Tulad ng reaction ko no'ng una ko 'tong nalaman. Gano'n rin ang naging reaction nila ngayon.
Troy: Paano?
Eva: At bakit?
"Yan rin tanong ko. Paano muling nabuo ang Spade at bakit ito muling binuo? Natatakot ako sa maaaring mangyari. Ayon sa source na napagkunan namin ng impormasyon. Marami silang recruit na mga bata ngayon. At lahat sila sumasailalim sa matinding pagsasanay."
Troy: Tulad natin noon?
"Oo."
Eva: Sino ang namumuno sa'kanila ngayon?
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Genç KurguHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34