KABANATA - 37.

3K 64 0
                                    

♣️Tyron's POV♣️

Maaga ako gumising para ipaghanda siya ng almusal. Espesyal ang breakfast na hinanda ko. Syempre dahil punong-puno ito ng pagmamahal. Excited na akong lumabas ng kusina para tawagin siya sa kwarto. Pero paglabas ng kusina nakita ko siyang bumababa ng hagdan.

"Gising ka na pala!" Bungad ko sa'kanya. "Good morning!" Nakangiting bati ko.

She forced a smile. "Good morning!"

"Papasok ka na?" I asked.

She nodded.

"Kumain ka muna bago umalis. Medyo maaga pa naman eh," yaya ko sa'kanya.

Tumingin siya sa wrist watch niya. "Sorry. Kailangan ko na kasing pumasok eh." She apologized.

Medyo nalungkot ako do'n. "Gano'n ba? Ah, s-sige hatid na lang kita." Natatarantang kinuha ko ang key fob. "Let's go!" Yaya ko tapos nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

Pagdating sa tapat ng building na pinapasukan niya. Mabilis siyang bumaba at walang paalam na tumakbo papasok sa loob.

"Bye Aina! 'Wag kang magpapalipas ng gutom. I love you." Sabi ko kahit wala na siya.

I sighed. Tapos pinaandar ko na ang sasakyan pabalik ng bahay.

"Good morning kuya!" Bati ng kapatid ko pagpasok ko ng kusina. At nanlaki mga mata ko nang nilalantakan na niya ang pagkain na ginawa ko para kay Aina. Nagmamadali akong lumapit at inagaw 'yon sa'kanya. "Kuya naman, ba't mo inagaw?" Reklamo niya.

"Hindi 'to para sa'yo." Sabi ko.

Tapos inagaw niya sa'kin yung kinakain niya. "Akin na lang 'to. Nakain ko na eh, nalawayan ko pa oh!"

Inirapan ko siya. "Ba't kasi nangingialam ka? Hindi mo man lang tinanong kung para kanino 'yan?" Sabi ko.

"Para kay Ate Aina ba 'to?" Nakataas kilay na tanong niya.

"Oo." Matipid kong tugon.

"Bakit hindi niya kinain?" Nakataas pa rin kilay niya.

"Nagmamadali siyang pumasok." Sagot ko bago nagpakawala ng hangin.

"Hmmm...kuya, okay ka lang?" He worriedly asked.


I forced a smile. "Of course."


"Liar! Hindi mo maitatago ang nararamdaman mong 'yan sa'kin, kuya. Dalawa lang tayong nandito ngayon." Makahulugang sabi niya.





Umiling-iling ako. "Ginusto ko 'to. Kakayanin ko 'to." Makahulugan ring sabi ko sa'kanya.





He smiled at me. "Okay. Pasok na ako!" Paalam niya bago tumayo at naglakad palabas ng kusina.





I deeply sighed. Pagkatapos tinitigan ko ang pagkain ginawa ko para sana kay Aina.  Pagkatapos sinimulan ko na 'yong kainin. After ko mag breakfast nag prepare na rin ako para pumunta sa trabaho. May meeting ako with the boards. Nakaka-stress ang mga demands nila. Pero kaya ko pa naman i-handle.






"Good morning Lily!" Bati ko sa secretary ko.





"Good morning Sir! Kanina pa po kayo hinihintay sa conference room." Sabi niya.





"Gano'n ba? O sige, pakisabi papunta na ako." Sabi ko





"Sige po Sir."







Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon