* Two Weeks Later *
Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti nasanay si Aina sa buhay niya kasama sina Tyron. Unti-unti rin nagbago ang pakikitungo ni Tyron kay Aina. Hindi na niya pinapansin ang dalaga. Kapag kinakausap siya nito palagi niyang tinatalikuran at iniiwan. Hindi naman naintindihan ni Aina ang biglaan nitong pagbabago. Pero nasanay na rin siya sa gano'ng ugali ng binata. Naisip ng dalaga na marahil hindi pa niya ito lubos na kilala. Na marahil gano'n talaga ang binata. Kaya't sinanay rin niya na dedmahin ang binata sa abot ng makakaya niya.
Samantala, bumabyahe naman ang mag-asawang Trevor at Ayame mula sa airport. Excited ng makauwi si Ayame upang makita ang mga anak. Matagal-tagal rin ang dalawang linggo na hindi niya nakita ang mga ito. Kaya naman labis labis ang pangungulila niya. Lalong-lalo na sa bunso nilang si Tyler.
"We're here." Bulong ni Trevor sa nakapikit na asawa. Mabilis naman itong nagmulat ng mga mata.
"Let's go!" Nagmamadali itong lumabas ng sasakyan. Pagkatapos patakbong pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Napapailing naman si Trevor na kinuha ang mga bagahe nila.
"Tyron! Tyler!" Sigaw ni Ayame pagpasok ng bahay nila. Agad naman nagpakita sa'kanya ang bunsong anak.
"Mommy!" At mabilis siyang sinalubong nito ng yakap. "I miss you." Inosenteng sabi ni Tyler sa ina.
"I miss you, too." At hinagkan ni Ayame sa noo ang bunso niya.
"Tyler!" Tawag naman ni Trevor sa bunsong anak. Mabilis humiwalay si Tyler sa ina at tumakbo papunta sa ama. "I miss you boy." Sabi ni Trevor sa anak. Nakangiti naman si Ayame habang nakatingin sa mag-ama niya.
"Baby, where's Kuya Tyron?" Tanong ni Ayame kay Tyler.
"I don't know Mom. I haven't seen him yet." Sagot ng anak.
"Mom, Dad!" Mula sa hagdan narinig nila ang pagtawag ni Tyron. Agad naman silang napalingon dito.
"Oh, there he is Mom." Sabi ni Tyler kay Ayame.
Nakapamulsa naman si Tyron habang bumababa ng hagdan.
"Anak, kumusta naman kayo ni Misty?" Tanong ni Ayame kay Tyron.
Napataas kilay ni Tyron. Naisip niya na pati pala mga magulang niya naloko ng mag-iinang 'yon.
"Tyron?" Tila may pag-aalala sa tinig ni Ayame. Kilala niya ang anak kapag ayaw nito sa isang tao. Gagawa at gagawa ito ng paraan para mawala sa landas niya.
"Don't worry, Mom. Okay kami ni Aina." Walang gana niyang sagot sa ina.
Nangunot naman noo ng mag-asawa. "Aina? Sino si Aina?" Tanong ni Ayame.
"Si Aina ang totoong apo ni Joselito Gonzales. Hindi si Misty Agbayani. Nilinlang kayo ng mag-iinang 'yon Mom." Sabi ni Tyron.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Fiksi RemajaHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34