***
Isang linggo na ang nakalipas ng magkaayos silang dalawa. Sa iisang kuwarto na ulit sila natutulog. Hatid sundo ni Tyron si Aina sa trabaho. At pinagsisilbihan pa rin ni Tyron si Aina na parang reyna niya. Hindi natuloy ang plano nilang pagpunta ng subic. Dahil nagkabuhol-buhol ang schedule nilang magkakaibigan.
"Tyron, malapit na ang birthday mo. Saan mo gusto mag celebrate?" Tanong ni Aina kay Tyron habang nag-aalmusal sila.
"Hmmm...punta tayong laguna." Sagot nito.
"Laguna? Ano'ng gagawin natin sa laguna?" Nakakunot-noong tanong ni Aina.
"Doon tayo mag celebrate ng birthday ko. Hindi ka pa nakakarating sa paraiso del pilar, 'di ba? Dadalhin kita do'n." Nakangiting sabi ni Tyron sa asawa.
"Paraiso del pilar?"
"Yup, ayaw mo ba?"
"Hindi naman, sige punta tayo do'n. Medyo nahiwagaan ako sa paraiso del pilar." Sabi ni Aina.
After nila kumain hinatid na ni Tyron si Aina sa trabaho nito.
"Wife, what if sa company ka na lang namin mag trabaho? Para naman nakakasama kita." Suhestiyon ni Tyron habang bumabyahe sila papuntang Suarez Company Building.
"Magandang idea 'yan. Kaso sayang naman trabaho ko. 'Tsaka nakakahiya kay Mister Suarez kung bigla akong mag reresign." Sagot ni Aina.
"Ako bahala kumausap kay Tito." Seryosong sabi ni Tyron.
"'Wag na."
"Please! Para isang way na lang tayo pagpasok. Tapos makakasama pa kita sa lunch at meryenda. Sige na please!" He pleaded.
She took a deep breath. "Pag-iisipan ko."
"No. Just say yes at ako na ang bahala." Seryosong sabi ni Tyron.
"Okay. Sige."
"Really? Okay. Kakausapin ko si Tito ngayon din." He excitedly said. Napangiti na lang siya habang nakatingin sa asawa.
Pagkaparada ni Tyron ng sasakyan. Inalalayan siya nitong bumaba. Tapos sabay silang pumasok sa loob ng building. Naghiwalay lang sila pagdating sa eight floor. Si Tyron dumiritso sa office ni Mister Suarez. Si Aina dumiritso sa cubicle niya. Ten minutes late na siya kaya nagmamadali siyang naglakad. Pagdating doon nakita niyang nakatayo si Miss Catunghay.
"You're ten minutes late Miss Gonzales!" Singhal niya kay Aina.
"I'm sorry Ma'am!" She apologized.
"As your punishment magdadagdag ka ng isang oras sa original time ng trabaho mo. Hala! Simulan mo nang tapusin itong mga ito. Kakailanganin ko 'yan in thirty minutes." Sabi ng supervisor nila.
"Po? Hindi---"
"Bawal mag reklamo." Putol niya sa sasabihin ni Aina.
Wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa harap ng computer niya. At sinimulan ang pinapatrabaho ni Miss Catunghay. After thirty minutes nangangalahati pa lang siya sa pinatrabaho sa'kanya. Maya-maya narinig niya na ang tunog ng takong nito. Hinanda niya na ang sarili sa sermon ni Miss Catunghay.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34