*
Tulad ng sinabi ni Dwane. Sinundo niya ako eksatong 7pm sa bahay. At heto kami ngayon bumabyahe papunta sa bahay nila kung saan magaganap ang family dinner. Kinabahan ako nang huminto kami sa tapat ng malaking bahay.
"We're here!" Ani Dwane bago bumaba para pagbuksan ako ng pinto. The usual na ginagawa niya. Aniya, the gentleman way. Daming alam palagi ng lalaking 'to.
"Thanks." Sabi ko pagkababa ng sasakyan.
Inilahad niya ang kanyang palad. Tiningnan ko muna 'yon bago inabot. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay nila. Lalo akong kinabahan nang tumapak na ang mga paa ko sa loob. "Relax. Nilalamig ka sa nerbiyos." Natatawang sabi ni Dwane. Inirapan ko naman siya. "Joke lang! Irap agad eh," aniya na pinisil pa ang ilong ko. "Halika, sa dining area tayo. I'm sure kanina pa nila tayo hinihintay." At dinala niya ako papunta sa dining area.
Tumahimik sila nang makitang paparating kami. Tumayo ang may edad na babae at sinalubong si Dwane. Humalik naman si Dwane dito. Pagkatapos natuon ang atensyon nito sa'kin.
"Is this Aina?" Nakangiting tanong ng ginang.
"Yes, mom." Tumingin si Dwane sa'kin. "Aina, this is my mom." Pagpapakilala ni Dwane sa mommy niya.
"Hello po, Ma'am!" Bati ko sa'kanya.
"Oh, no." Umiling siya. "Don't call me Ma'am. Call me tita." Nakangiting sabi nito bago ako inakbayan. "Come! Guys listen, this is Aina. Dwane's future girlfriend." Pagpapakilala ni tita sa'kin. Medyo nanlaki ang mga mata ko sa paraan ng pagpapakilala niya.
"Woah! Sa wakas, kuya!" Sigaw no'ng binatilyo.
"Shut up David!" Saway naman ni Dwane sa kapatid. Tapos bumaling sa'kanyang ina. "Mom, ano ba naman 'yang pinagsasabi niyo. Nakakahiya kay Aina." Namumula ang mga pisngi ni Dwane na hindi makatingin sa'kin. Cute talaga siya kapag namumula sa hiya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Why? I thought you like her?" Tumingin si Tita sa'kin. "Aina, single ka naman 'di ba?"
"O-opo."
"Oh, wala naman pala problema. If ever ba manligaw itong Dwane namin may pag-asa ba?"
Gosh! Napanganga talaga ako sa tanong ng mommy niya.
"Mom! Aina, don't mind her. Come, sit here and eat." Sabay hila sa'kin ni Dwane at pinaupo ako sa kabilang silya medyo malayo sa mommy niya.
"Hi! I'm David." Pagpapakilala ng kapatid niyang si David.
"Hello! Call me Ate Aina." Pagpapakilala ko naman.
"And I'm Darwin." Pagpapakilala naman no'ng isa na ikinagulat ko dahil kamukha rin siya ni David. Ngumiti siya. "We're twins." Sabi niya para hindi na siguro ako mag tanong. Well, obviously they're twins.
Tumango-tango ako. "I see."
"Aina, tikman mo 'tong seafood paella. Si Dwane nagluto niyan." Pagmamalaki ni Tita sa anak.
Agad ko naman 'yong tinikman. At habang nginunguya ko nakatingin silang lahat sa'kin. Lalo na si Dwane na napapalunok pa ng laway. Nginitian ko silang lahat.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Подростковая литератураHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34