-
15 minutes before mag start 'yong afternoon class namin. Dumaan muna ako sa faculty room. Ngayon daw kasi darating 'yong PE uniform ko sabi ni Sir Damian, PE teacher namin. After kong makuha PE uniform ko naglakad na ako papunta sa room namin. Paliko na ako pakanan nang harangin ako nina Cienne.
"Aina, right?" Si Cienne. Hindi ko alam na mahina pala memorya nito. Kakakilala lang namin kanina at wala pang isang oras ang lumilipas. Minuto pa lang pero limot na agad niya pangalan ko?
"May kailangan ba kayo sa'kin?" Diretsahang tanong ko.
"Hindi namin nagustuhan ang sinabi mo about Tyron kanina. Like who are you? Para sabihan mo siya ng gano'n? You don't even know him. Kaya wala kang karapatan sabihin 'yon sa'kanya." Tila galit na sabi ni Cienne. Bigla ko naman naalala 'yong sinabi kong bastos si Tyron. Bakit bastos naman talaga ang lalaking 'yon. Hindi ba niya alam 'yon?
"Excuse lang ah? Bastos naman talaga 'yong ginawa niya kanina."
"Kahit na! Dapat tinikom mo na lang 'yang bibig mo." Galit na sabi niya sa'kin. Woah! Nakaka-stress na nga si Tyron dagdag pa 'tong babae niya.
"So, hinarang niyo ako para sabihin lang 'to sa akin?" Tanong ko sa'kanya.
"Oo. At para ma-inform ka rin na wala kang karapatan umasta ng ganyan. Baka nakakalimutan mo scholar ka lang dito. At 'yong pondo na ginamit para d'yan sa scholar mo galing sa'min. Kaya matutong kang lumugar kung saan ka dapat." Hirit pa niya.
Grabe! Bibigyan ko na ba 'to ng award?
"Ipapaalala ko lang rin sa'yo. Scholar man o hindi sa school na 'to. Pare-pareho lang tayo mga studyante dito. At pantay pantay lang tayo sa lahat ng bagay." Seryosong sabi ko sa'kanya. At kitang-kita ko kung paano siya mainis ng sobra.
"You." Lumapit pa siya sa'kin. "Pasalamat ka kaibigan ka nila. Dahil kung nagkataon---"
"Sasaktan mo ako gano'n?" Putol ko sa sasabihin niya.
Sanay na ako masaktan physically kaya balewala na 'yon sa'kin.
"Ito tatandaan mo, kapag naulit pa 'to. Huwag ka ng mag expect na palalampasin pa namin 'to." Banta niya. As if naman matatakot ako sa mga ganyan niya.
"So, tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis?" Sarcastic kong pagkakasabi. Dahilan para manggalaiti pa siya sa'kin. Tinalikuran ko na sila at maglalakad na sana pero may nakalimutan akong sabihin. Humarap ulit ako sa'kanila. "A piece of advice. Kilalanin niyo muna ng mabuti ang pinagtatanggol niyo." Sabi ko sabay talikod at nagmamadaling naglakad pabalik ng room.
---
Pag-alis ni Aina. Hindi makapaniwala ang apat na dalaga.
Maxine: Gosh! Grabe skwater talaga ang ugali.
Kiana: Yeah. Ang lakas ng loob niyang sagut-sagutin ka ng gano'n Cienne.
Cienne: Hayaan niyo lang muna siya. Pero sa susunod makakatikim na siya.
Lianne: Baka naman ganyan siya umasta kasi kaibigan niya ang tigers.
Maxine: Posible 'yon.
Cienne: Kung gano'n naman pala, eh 'di ilayo natin siya sa tigers.
Nagkatinginan ang tatlong dalaga. Pagkatapos sabay sabay silang tumingin kay Cienne.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34