KABANATA - 20.

3.6K 65 4
                                    

*



Mabilis na lumipas ang mga araw, bumalik si Ayame sa pagsasanay na gumamit ng baril. After eighteen years masaya siyang malaman na marunong at asintado pa rin siya sa paggamit nito.


"Nice! Hindi ka pa rin kumukupas Queen." Nakangiting sabi ni Devon sa'kanya.

"Thanks." Tugon niya. Pagkatapos inilapag ang baril sa mesa. "Sya nga pala, may balita na ba kay Uno?" Tanong niya.

"May finorward si Uno sa'kin kahapon. Pero wala pa rin do'n ang gusto nating malaman." Sagot ni Devon.

"Tungkol saan ang finorward niya?" Interesadong tanong niya.

"Tungkol sa exact location ng bagong Spade." Sagot ni Devon. "Ayon sa files na pinasa ni Uno. Sa Machete naka-base ngayon ang hideout nila. Evergreen forest is the new version of Norther forest. Based on his report hindi pa daw nabubuo ang Royal Spade. Royal highness pa lang ang nakokompleto nila." Dagdag pa ni Devon.

Batid ni Ayame kung ano ang ibig sabihin nito. Royal highness ang tawag sa apat na may katungkulan sa Spade noon. Ace, King, Queen and Jack. Ang Royal Spade ay binubuo naman ng sampung mga kabataan na may talino at kakayahan sa pakikipaglaban. Kabilang sina Uno, Tres at Four sa Royal Spade noon.

"Any information about their indentity?" She asked.

Umiling si Devon. "Wala pa rin." Sagot niya.

Bumuntong-hininga ng malalim si Ayame. "Sige, basta kapag may bago kang impormasyon. Huwag mong kalimutan sabihin sa'kin agad." Bilin niya.

"Noted."

At nagpaalam na si Ayame para umuwi sa kanilang bahay. Nasa kalagitnaan siya ng byahe. Nang matunugan niyang may sumusunod na sasakyan sa'kanya. Naalarma siya at binilisan ang takbo ng sasakyan. Pero mabilis din siya nitong naaabutan. Agad niyang tinawagan ang numero ni Trevor. Pero walang sumasagot. Sumunod niyang tinawagan si Devon.

("Hello Ayame?")

"Devon, may sumusunod sa aking sasakyan."

("Ha? Nasaan ka?")

"Nasa hi-way."

("Wait. Titingnan ko sa computer ko.")

Tumahimik sa kabilang linya. Maya-maya muling nagsalita si Devon.

("Nasa Rodriguez ka. May madadaanan kang paliko d'yan. Lumiko ka agad at kumanan. Bilisan mo ang pagmamaneho para hindi ka niya maabutan.")

Ginawa ni Ayame ang sinabi ni Devon. Pero napayuko siya ng mula sa likuran may bumabaril na sa'kanya.

("Ayame, ano'ng nangyayari d'yan?")

"Binabaril nila ako."

("Ha? Dapat ko na ba i-report 'to sa mga pulis?")

"No. Tulungan mo na lang ako makatakas. Hanapan mo ako ng daan."

Tumahimik ulit sa kabilang linya. Maya-maya muling nagsalita si Devon.

("Lumiko ka sa kaliwa. In 3, 2, 1 now!")

Mabilis na kinabig ni Ayame ang sasakyan pakaliwa.

("Kumaliwa ka ulit.")

At muli niyang sinunod ang sinabi ni Devon.

("May kanto kang madadaanan d'yan. Lumiko ka pakanan at kumaliwa ka ng dalawang beses.")

Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon