* SPORTS FEST OPENING CEREMONY *
"Ano, ready ka na Miss Gonzales?" Tanong ni Misis Mapili.
Napahawak siya sa kaliwang dibdib. Mauuna kasi siya kumanta bago ang speech ng kanilang principal. Naghahanda na ang mga studyanteng player. Kabilang do'n syempre si Tyron.
Two weeks na ang nakalipas since inamin ni Tyron ang feelings niya. Araw-araw awkward palagi si Aina kapag nasa paligid niya si Tyron. Kung gaano ito ka-sungit at ka-suplado. Ganoon rin naman ito ka-sweet sa'kanya. Hatid sundo siya sa classroom nila. At nag-uumpisa ng magkaroon ng maraming haters si Aina. Halos lahat kasi ng studyanteng babae si Tyron ang crush. Hindi naman niya masisisi iba kasi ang karisma ni Tyron kumpara sa ibang lalaki.
"Goodluck Aina!" Bati ng nang-iinsultong si Monique. "I'm sure kinakabahan ka ngayon." Sabi pa nito sabay tawa ng malakas.
"Miss Gonzales, mag ready ka na in five minutes mag-uumpisa na tayo." Paalala ni Misis Mapili.
Lalong kinabahan si Aina. Hawak ang microphone para na siyang hihimatayan sa kaba.
Narinig niyang nagtatawanan ang tatlong magkakaibigan.
"Goodluck girl! Pumiyok ka sana!" Sigaw ni Monique bago pumunta sa grupo ng cheering squad.
Nasa back stage siya ng gymnasuim. Naghihintay ng hudyat ni Misis Mapili. Sumilip siya sa labas at nakita niya ang mga baskatball player. Hinanap ng mga mata niya si Ethan. Napangiti siya ng makita ito. Bagay na bagay kay Ethan ang suot nitong jersey. Jersey number eight si Ethan, fourteen naman si Tyron. Sabi ni Ethan importante ang meaning ng number sa'kanya. Gayon din ang rason ni Tyron.
"Miss Gonzales, labas na!" Hudyat ni Misis Mapili. Huminga siya ng malalim. Hawak ang microphone at confident siyang lumabas sa stage.
Hiyawan at palakpakan ang maririnig mo sa crowd. At hindi maiwasang mamula ni Aina dahil do'n. Syempre hindi rin mawawala ang haters niya.
"Ang ganda mo Aina!" Sigaw ng mga lalaking kaklase niya. Napangiti naman siya dahil do'n. Kaya lalong nag hiyawan ang mga kaklase niyang lalaki.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Tyron at Ethan. Si Tyron kulang na lang sugurin ang mga lalaki at pagsusuntukin.
Natahimik ang lahat ng tumugtog ang national anthem. Buong pusong inawit 'yon ni Aina. Napapanganga ang lahat ng marinig ang malinaw at napakaganda niyang boses. Proud na proud naman si Cedric habang nakatingin sa'kanya. Sina Tyron at Ethan hindi maialis ang tingin kay Aina. Hanggang sa matapos siyang umawit. Hiyawan at malakas na palakpak ang binigay ng crowd sa'kanya. At syempre papuri ng buong skwelahan. Maliban syempre sa mga insecure at galit na galit sa'kanya.
"Hindi ko akalain na magaling pala kumanta si Aina." Humahangang sabi ni Gerald. Sinamaan naman siya ng tingin ni Tyron. "Oh, relax dre. Hindi ko naman lalandian si Aina. Crush ko lang 'yong angelic voice niya." Natatawang sabi ni Gerald.
Pagbaba ni Aina sa stage. Nilapitan agad siya ni Tyron. "Good job!" Bati ni Tyron sa'kanya.
"Thanks." Nakangiting tugon naman ni Aina.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34