***
Sinampahan ng kaso ni Tyron si Ivy patungkol sa nangyaring sunog sa pabrika. Kasama sa isinampang kaso ang pagtatangkang pagpatay sa'kanilang mag-asawa. At pagpapadala ng mga death threats. Mariin namang iginiit ni Ivy na wala siyang kinalaman sa ibinibintang sa'kanya ni Tyron.
"What the hell are you doing Tyron? Why did you do this to me?" May hinanakit niyang tanong kay Tyron. "Tyron, you're ruining my whole life."
Nasa opisina siya ngayon ni Tyron. Kinukuwestyon niya ito patungkol sa pagsasampa nito ng kaso laban sa'kanya.
"Sana naisip mo 'yan bago mo pinasunog ang pabrika." Tiim-bagang na sabi ni Tyron sa'kanya.
"Tyron, naniniwala ka talaga na magagawa ko 'yon?"
"Yes."
"Ha! You know I can't do that."
"Tama na Ivy. 'Wag ka nang mag sinungaling. 'Wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo." Nagpipigil ng galit si Tyron sa'kanya.
"Okay. Fine. Ako nga ang nagpasunog ng pabrika. Pero alam mo ba kung bakit ko ginawa yun?" Tumingin siya ng seryoso kay Tyron. "Dahil sa'yo. Ikaw ang dahilan kung bakit ko yun ginawa. I was desperate na makuha ka." Tuluyan ng naglandas ang mga luha sa pisngi niya. "Mahal na mahal kita Tyron. Wala akong ibang minahal kundi ikaw. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang pangako mo sa'kin. Nakalimutan mo na ba 'yon?"
Natigilan si Tyron. Kailan man hindi siya nakalimot sa ipinangako niya kay Ivy. Sariwa pa rin yun sa mga alaala niya. Nung mga panahong yun. Sincere siyang nangako na hihintay ang pagbabalik nito. Ngunit hindi niya nagawa dahil sa nakatakda niyang kasal para kay Aina.
"I'm sorry. I'm sorry if I din't keep my promise. And I'm really sorry kung sobra kitang nasaktan." He apologized. "Pero hindi pa rin rason para gawin mo yun. I was very disappoint sa lahat ng ginawa mo. At patawad pero hindi ko iuurong ang demanda. Kailangan mong pagbayaran lahat ng ginawa mong kasalanan." He clenched his jaw.
Biglang tumalim ang mga tingin ni Ivy sa'kanya. "Hindi mo ako mapapakulong. Wala kang ebidensya na ako nga ang nag-utos nun." May diing sabi niya.
"Sa korte na lang tayo magkita. Tingnan natin kung sino ang uuwing luhaan." Paghahamon ni Tyron.
Isang nakamamatay na titig ang binigay ni Ivy bago ito lumabas ng opisina niya. Inilabas naman ni Tyron ang recording na tinago niya habang nag-uusap sila ni Ivy. Malinaw na malinaw doon ang pag-amin niya. Matibay na ebidensya yun na siguradong magdidiinan sa dalaga.
---
Hindi dumalo sa unang pagdinig ng kaso si Ivy De leon. Tanging attorney lamang nito ang humarap sa korte. Kaya't nakansela ang unang pagdinig. Ganun din sa dalawa pang sumunod na hearing.
"Talagang ayaw niyang harapin ang kasalanan niya, 'no?" Pagbubukas ni Gerald ng topic pagkatapos uminom ng beer.
Nasa bar sila ngayong anim. Ipinatawag sila ni Tyron dahil gusto daw nitong mag chill.
"Tyron, pumapasok pa ba ng trabaho yun?" Tanong ni Ivan.
"Mahigit isang buwan na siyang wala sa company. Pinull out niya lahat ng shares nila. At wala na akong naging balita sa'kanya after that." Sagot naman ni Tyron.
"Okay pa kaya ang babaeng yun?" Si Russel.
"Wala na ba siyang plano na linisin pangalan niya? I mean, kung wala talaga siyang ginawang kasalanan. I'm sure haharap siya sa korte. At isasampal sa'yo na inosente siya." Hirit naman ni Simon.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34