*
Inimbitahan ko si Dwane sa bahay para mag dinner. Gusto ko kasi itanong sa'kanya kung alam niya ang tungkol sa issue na 'yon. At gusto ko rin malaman kung bakit hinahayaan niyang kumalat 'yon ng gano'n. Makakasira sa imahe ng kompanya ng mga Suarez kung magpapatuloy ito. Isa pa, alam ko kung paano mag-isip ang mga tao. Siguradong nagmumukha akong masama dito. Ano na lang iisipin ni Tyron? I shook my head. Bakit ko ba iniisip kung ano'ng iisipin niya? Tss
Maya-maya narinig ko na ang paghinto ng isang sasakyan sa labas ng bahay. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas para salubungin siya. Pagdating ko sa gate nagulat ako nang hindi si Dwane ang nakita ko.
"T-tyron? Ano'ng ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Nakita ko naman ang disappointment sa mukha niya.
"Naisip ko kasing dalawin ka. Tapos bumili na rin ako ng pagkain para sana yayain kita mag dinner." Aniya tapos tumingin ako sa paper bag na dala niya.
"Gano'n ba? S-sige, pasok ka." Paanyaya ko.
Umaliwalas naman ang mukha niya. "T-talaga?" He cheerfully asked.
I smiled at him while nodding. Tapos nagpatiuna na akong pumasok sa loob. Dumiritso ako sa kusina at ramdam kong nakasunod siya sa'kin.
"Oh, nakaluto ka na pala eh." Sabi niya.
Nilingon ko siya. "Inimbitahan ko kasi si Dwane mag dinner dito. Kaya nagluto ako ng pagkain." Sabi ko naman.
Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. He looked at me. "Hindi ba ako nakakaistorbo sa'inyo?" He seriously asked.
I shook my head. "No. Have a seat."
"Sala na lang muna ako." Paalam niya at dumiritso na palabas ng kusina.
I deeply sighed. Tapos nag ring ang phone ko. Si Dwane ang tumatawag. Agad ko naman 'yong sinagot.
📞"Dwane, nasaan ka na?"
📞Dwane: Aina...
📞"What's wrong?"
📞Dwane: Hindi ako makakapunta ngayon d'yan. Timawag si Dad, kailangan niya ako sa pampanga ngayon. Nagkaroon daw ng problema sa site. (He deeply sighed) Gusto sana kitang makita. Pero hindi pwede, this is a serious matter.
📞"It's okay, Dwane. May next time pa naman eh,"
📞Dwane: (he sighed) Ayun na nga eh, hindi ko alam kung makakabalik agad ako ng maynila. But don't worry, palagi kitang tatawagan. (He cheerfully said)
Napangiti naman ako dahil do'n. Well, mamimiss ko talaga ang mokong na 'yon. Kaya dapat lang na tumawag siya palagi.
📞"O sige, basta promise mo tatawag ka palagi."
📞Dwane: Sabi na mamimiss mo rin ako eh, (he laughed) But I like that. Ibig sabihin may pag-asa si poging dwane.
Automatico'ng napataas naman ang kilay ko.
📞"Pag-asa saan?"
📞Dwane: Basta. Sige na, mag-liligpit pa ako ng mga dadalhin ko. Mag-iingat ka mamahalin pa kita. Bye! Mwaaaps
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34