❣️Aina Jade's POV❣️
Lunes ngayon at maaga na naman ako nagising. Nakasanayan ko na rin siguro magising ng maaga. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako nang makita si Tyron. Magkatapat lang kasi ang room namin. Himala na maaga rin siya nagising. Nauna akong naglakad papunta sa baba ng bahay. Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa'kin. Pagdating sa kusina puwesto agad ako ng upo.
"Good morning Manang Rosing!" Bati ko kay Manang Rosing. Tapos tumingin ako kay Tyler. "Good morning Ler!" Bati ko sa cute na bata. Unlike Tyron mabait and friendly si Tyler.
"Good morning too Ate Aina." Nakangiting bati naman ni Tyler sa'kin. "Sa akin ka ba ulit sasabay?"
Nginitian ko siya. "Oo." Sagot ko.
"No Tyler. Sa akin sasabay si Aina ngayon."
Pero hindi ko siya pinansin. Inirapan ko pa siya. "Don't listen to him Tyler. Okay?"
Tumango naman si Tyler. Ginulo-gulo ko buhok niya. "Good boy." Tapos pinisil-pisil ko pa ang pisngi niya. "Gwapo mo." Sabi ko habang pinipisil ang malambot at makinis na mukha niya.
"Hey! Huwag mo nga turuan ang kapatid ko ng ganyan. Baka nakakalimutan mo sampid ka lang dito." Naiinis na sabi ni Tyron sa'kin.
"So?" Lalo ko pa siyang iniinis. Nakakatuwa lang kasi siya makitang namumula sa inis.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Ginagalit mo ba ako Aina?" At talagang galit na siya.
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "I'm scared." Pang-aasar ko pa lalo na lalong ikinapula ng mukha niya. Pati tainga niya namumula na rin ng sobra.
Nagulat kami ni Tyler ng tumayo siya at hampasin ng dalawang palad niya ang mesa.
"What's going on here?" Sabay sabay kaming napatingin sa direksyon ni Daddy Trevor. "Tyron, what happened?"
"Nothing Dad." Bumalik na ulit sa dati ang expression ng mukha niya. "I'm leaving." Paalam niya kay Daddy Trevor.
"Are you sure? Hindi ka pa tapos kumain oh!" Sabi ni Daddy Trevor sa'kanya.
"I'm full." Sagot niya tapos naglakad siya papunta direksyon ko. "Let's go!" Sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng kusina.
"Aray! Sandali lang naman...nasasaktan ako." Reklamo ko sa'kanya. "'Saka 'yong gamit ko nasa room ko pa." Sabi ko.
Tumigil naman siya tapos hinarang si Wena. "Pakikuha ang bag ni Aina sa room niya."
"Yes sir." Mabilis naman umakyat sa taas si Wena. Pagbalik nito dala na ang back pack ko. Binitawan naman ako ni Tyron tapos kinuha ang bag ko kay Wena. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa'kanya.
'Nakakainis!'
Wala pa rin nagbago sa harap pa rin ako nakaupo. At sa likod pa rin siya. Grabe talaga lalaking 'to. Hindi man lang magpaka-gentleman. Psh!
"Nandito na po tayo." Sabi ni Mang Lester. Dahilan para magmulat ng mga mata si Tyron.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Pagkatapos hinablot ko sa'kanya ang bag ko. Sabay talikod at mabilis na naglakad papasok ng school. Dumiritso ako sa campus para tumambay. Samantalang siya nakita kong nag-iba ng daan. Natural nasa school na kami. Ano pa ba aasahan ko sa lalaking 'yon. Ayaw na ayaw niyang makausap ako dito. Sabagay, kahit naman sa bahay hindi kami nag-uusap. Kumbaga para lang kaming hindi magkakilala pero malapit ng ikasal sa isa't-isa. Eight days na lang mula ngayon. Magaganap na ang napagkasunduang kasal sa pagitan ng lolo ko at lolo niya. Alam ko hindi talaga katanggap-tanggap ang mangyayaring 'to. Saan ka ba naman kasi nakakita ng tao na ikinasal sa taong hindi naman niya mahal? Syempre wala. Kundi sa mga ganitong sitwasyon lang. At wala kaming magagawa kundi ang sundin ito. Sa ayaw man namin o sa gusto.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34