*
(DAY 2)
Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pupungas-pungas na sinagot ko ang tawag.
📞"Hello?"
📞Dwane: Good morning my lady!
📞"Dwane?"
📞Dwane: Sino pa ba? Kundi ang poging si Dwane. (He laughed) Wait, nagising ba kita.
📞"Oo." Sagot ko tapos napahikab. Late na kasi ako nakatulog kagabi. Dami na naman naglalaro sa isipan ko.
📞Dwane: Uuwi ako dyan bukas. Pwede ba tayong magkita?
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Tapos naisip ko si Tyron. I'm sure masasaktan na naman siya kapag nakipag-kita ako kay Dwane.
📞Dwane: Aina?
📞"Titingnan ko Dwane." Yun na lang nasabi ko.
📞Dwane: Bakit, may gagawin ka ba bukas?
Hindi ako nakasagot.
📞Dwane: Aina?---
📞"Sige na Dwane, mag-aasikaso pa ako pagpasok. Bye! Text you later."
~Call Ended~
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pinutol ko na agad ang tawag. Tapos nagpakawala ako ng hangin. Nirelax ko muna ang katawan ko bago maligo. Habang naliligo iniisip ko kung paano sasabihin kay Dwane ang sitwasyon ko. Balak ko na rin sagutin ang paghingi niya ng permiso sa'kin. Dapat makipagkita talaga ako sa'kanya bukas. After ko maligo hinanap ko ang bath robe ko. Sh1t hindi ko pala nadala sa loob. Buti na lang hindi kami magkasama ni Tyron sa kuwarto. Lumabas ako ng banyo at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bumungad sa'kin si Tyron. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakatitig sa hubad kong katawan. Natataranta siyang tumalikod sa'kin.
"S-sorry. H-hindi ko alam na---"
Hindi ko na hinintay matapos ang paliwanag niya. Bumalik ako sa loob ng banyo at napatili ako habang nakatakip ang bibig.
"Sh1t!" I cursed. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko.
~Knock Knock~
"Aina, lalabas na ako ng room. Count one to ten bago ka lumabas. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya." He apologized. Lalo naman nag-init ang pisngi ko. Tapos narinig kong wala na siya sa labas ng pinto. Tulad ng sinabi niya. Nag bilang ako ng one to ten bago lumabas ng banyo. Wala na siya do'n at tangi na lang naiwan. Isang tray na may lamang pagkain. Bigla kong naalala na madalas niya rin gawin sa'kin 'to noon. Gumigising siya ng maaga at pinagluluto ako ng agahan. I shook my head at naghanda para magbihis. After ko magbihis ng office uniform. Naglakad ako palabas ng room. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa'kin ang nakatalikod na si Tyron.
"Tyron?" Napapitlag siya ng tawagin ko. Tapos dahan-dahan siyang lumingon. Pulang-pula ang mukha niya. "Pfft."
Nagsalubong agad ang kilay niya. "Why?" He asked.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34