❣️Aina Jade's POV❣️
Maaga akong pumasok sa opisina. Binati agad ako ng mga office mates ko.
"Good morning!" Nakangiting bati ko rin sa'kanila.
Pag-upo ko sa harap ng computer. Sinimulan ko agad ang trabaho. Second day ko ngayon at tambak agad ang trabaho sa'kin. Balak yata akong pahirapan ng supervisor namin.
"Miss Gonzales!" Nag-angat ako ng tingin sa tawag ng masungit naming supervisor. Si Ma'am Leny Conde.
"Yes, Ma'am?"
May iniabot siyang folder sa'kin. "Unahin mo 'tong tapusin at i-submit mo sa opisina ko."
Agad ko naman 'yon tinanggap. "Opo."
Inirapan niya ako bago umalis. Ano kayang problema nito sa'kin? Kahit hindi niya sabihin ramdam kong inis na inis siya sa'kin. Napapailing na lang akong sinimulan tapusin ang binigay niyang trabaho.
* LUNCH BREAK *
Iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko. Tapos bumaba ako para kumain ng lunch. Nakasabay ko naman ang ilan sa mga office mates ko.
"Aina, sabay ka na sa'min." Nakangiting sabi sa'kin ni Hazel.
"Sige." Nakangiting sabi ko naman.
Pagdating namin sa canteen. Pumila agad kami para bumili ng food. After namin makabili ng food puwesto na kaming apat ng upo.
"Kumusta ka naman Aina? Hindi ka naman ba nahihirapan?" Tanong naman ni Mariel sa'kin.
"Medyo. Pero kaya naman." Nakangiting sagot ko.
"Kapag kailangan mo ng tulong pwede kang lumapit sa'min." Si Darlyn naman ang nagsalita.
"Salamat sa'inyong tatlo." Nahihiyang sabi ko.
"Okay lang" tumawa si Darlyn.
"From now on, mga kaibigan mo na kami." Sabi ni Hazel.
"Pwede ba?" Tanong ko naman.
"Oo naman, right girls?" Si Mariel na parang kinikilig pa.
Sa kalahating oras naming break. Marami silang nai-kuwento sa'kin. Bestfriends daw silang tatlo since elementary hanggang college. At suwerte daw na natanggap sila dito sa kompanya ng sabay sabay. Ayon sa kanila, two years na silang nagtatrabaho dito bilang empleyado. Maayos naman daw kasi ang trato ng mga boss sa'kanilang empleyado. Maayos din daw kung magbigay ng suweldo. Kaya ni minsan hindi nila naisip umalis sa kompanya.
"Salamat ulit sa'inyong tatlo." Sabi ko habang sakay kami ng elevator.
"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Basta araw-araw sabay ka sa'min ah? Mamaya bigay mo number mo sa'min. Para naman makontak ka namin kapag may night out kami. O di kaya may outing." Masayang sabi ni Hazel.
"Sige, gusto ko 'yan." Sabi ko.
"Yes!" Kinikilig namang sabi nina Darlyn at Mariel.
Pagbalik ko ng desk. Tinapos ko ang pinagawa sa'kin ni Ma'am Leny. Pagkatapos agad kong dinala sa opisina niya.
"Good." Ang sabi nito ng hindi ako tinatapunan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34