❣️Aina Jade's POV❣️
Dinner time.
At sabay sabay kami ngayong kumakain. Katabi ko si Tyler harap ko naman si Tyron. Masyado kaming tahimik habang nakain. Parang walang gusto na bumasag no'n. Hanggang sa mailaglag ni Tyler ang kutsara niya."Tyler, kunting ingat naman anak." Sabi ni Mommy Ayame sa bunsong anak niya.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tinatawag siyang mommy. Mukha kasi siyang bata para sa gano'ng tawag. Para nga lang kaming magkakapatid eh.
"Aina, kumusta pala first day mo?" Narinig kong tanong ni Mommy Ayame. At napansin kong sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat. Kahit si Mister Sungit nakatingin din sa'kin. Psh.
Ngumiti ako. "Okay naman po, Ma'am---Mommy Ayame."
Napangiti rin si Mommy. "I'm glad to hear that. Medyo nag-alala kasi ako kanina habang nasa office. Mabuti naman pala at naging maayos ang first day mo." Tumingin siya kay Tyron. "Tyron, inilibot mo ba si Aina sa school niyo? Itinuro mo ba sa'kanya mga dapat niyang malaman do'n."
Halata kong natigilan si Tyron sa tanong ni Mommy Ayame. Pero syempre saglit lang 'yon. Naka-poker face agad siya.
"No. We'll do it tomorrow." Sagot ni Tyron.
'Psh. We'll do it tomorrow daw. Sigurado naman akong iiwan na naman niya at sasabihin 'wag siyang kakausapin. Style mo Tyron bulok. Pasalamat ka hindi ako 'yong tipo ng tao na mahilig mag sumbong.'
Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sa'kanya. Habang tumataas-taas pa ang isang kilay ko.
"What?" Inis na tanong niya.
Nginisian ko naman siya ng nakakaloko sabay iling.
"I'm done." Sabi niya sabay tayo. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang palabas ng kusina.
"Tapos na rin po ako." Sabi ko.
"Okay, mag pahinga ka na Aina. I'm sure napagod ka maghapon sa school." Sabi naman ni Mommy Ayame. Grabe ang bait talaga niya. Kabaliktaran ng anak niya.
"Salamat mo Mommy." Tugon ko bago ko sila iniwan.
Hindi muna ako dumiritso sa kwarto ko. Dumiritso ako sa terrace gusto ko munang pag masdan ang mga bituin. May ibubulong kasi ako sa'kanila. Gusto kong ibulong sa mga magulang ko. Kung gaano ko sila ka-miss at kamahal. Nagbago man ang mundong ginagalawan ko. Ang pagmamahal ko sa'kanila hinding-hindi magbabago.
'Mahal na mahal ko po kayo.' Bulong ko sa malamig na simoy ng hangin.
Pagkatapos kong magpahangin. Naglakad na ako papunta sa room ko. At habang paakyat ako sa hagdan makakasalubong ko si Tyron na pababa naman. Kunwari hindi ko siya nakikita. Nang magkatapatan na kaming dalawa. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Hey!" Tumingin siya sa'kin. "Forget what mom said earlier. Dahil wala akong balak na samahan ka maglibot sa buong school. I'm not your bodyguard. Understand?" Seryoso at may diing sabi niya.
Hinigit ko ang kamay kong hawak niya. Tapos tinaasan ko siya ng kilay. Nilapit ko ang mukha ko sa'kanya. As in sobrang lapit 'yong tipong maghahalikan na kami. "Huwag kang mag-alala Mister Sungit. Dahil hindi naman ako nag e-expect sa isang tulad mo." May diing sabi ko sabay irap. Tapos nagmamadali na akong umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Novela JuvenilHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34