KABANATA - 28.

2.9K 62 0
                                    

~continuation~



* NEW YORK *

After a month, naisagawa ang operason ko sa mata. Masayang-masaya si mommy dahil successful ang nangyaring operasyon. Of course sila lang masaya. Sino ba naman sasaya kung durog na durog pa rin ako sa loob. Mabilis lumipas ang mga araw, nawala na ang benda sa mga mata. Nakakakita na ulit ako. Thanks sa eye donor ko na namatay na no'ng nakaraang linggo. Sina mommy at daddy bumalik na ng pilipinas. Of course iniwan nila kami ni Tyler dito with grandma. Na-enroll si Tyler sa isang skwelahan. Ako hindi ko alam kung may balak pa ba akong pumasok. One day, naisipan kong maglakad-lakad sa park. Sobrang lawak ng lugar na 'to. Nakayuko wala sa sariling naglalakad ako. Hanggang isang sigaw ang nagpabalik sa wisyo ko. Bigla akong nag panic dahil palapit na sa'kin ang babaeng sakay ng isang bike. At huli na para umiwas dahil nahagip na ako nito.


"Sorry. I'm so sorry." Paulit-ulit niyang paghingi ng tawad. Napatitig ako sa maganda, maputi at makinis niyang mukha. "Mister, I'm so sorry." Hingi niya ulit ng tawad.

Nginitian ko siya. "It's okay."

"Yasmin!" Tawag ng may edad ng babae na humahangos paglapit sa'min. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng matanda.

"Yes yaya, don't worry." Nakangiting sabi niya sa tinawag niyang yaya.

Wait, filipino siya?

"Filipino ka?" I asked out of the blue.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Yes, ikaw rin?"

Tumango ako.

"Wow! That's awesome!" She giggled. And I laughed. For the first time narinig ko ulit tumawa sarili ko.


Since then, Yasmin and I became friends. She's really funny. When you're with her. Everything was lightened. Everything was peaceful and full of happiness. She makes me laugh. She makes me happy. I never imagined such thing until I've met her. Lumipas ang araw, naging mas malapit pa kami sa isa't-isa. Hanggang sa mag aminan kami ng nararamdaman. Nagpalitan ng 'i love you' at naging kami. Naging karamay ko siya sa lahat ng bagay. Sa lungkot at paghihirap. Lalo na ng mamatay si Lola. Hindi nakauwi sina mom and dad no'n. For so many reasons. A year after grandma's death. Isang masamang balita naman ang natanggap ko mula sa maynila. Namatay sina mom and dad sa isang car accident. Umuwi si Tyler ng pilipinas pero hindi ako sumama. Nagpaiwan ako dahil hindi pa ako handa na muling tumapak sa pilipinas. Isa pa, masamang-masama pa rin ang loob ko sa'kanila. Sila ang sinisisi ko bakit naging miserable ako. Four years after my parents death. At sa araw ng aming six years anniversary. Yasmin and I decided to go back in the philippines. For about six months vacation. Bago kami bumyahe papuntang manila. Marami akong planong binuo para sa amin ni Yasmin. Pero nasira 'yon pagtapak ko ng manila. Niyakap ako ng mga alaala ng nakaraan kasama si Aina. Naisip ko, ano'ng kulang? Bakit masakit pa rin? Sa pitong taon kong nawala bakit nandito pa rin 'yong sakit? Hanggang sa naisip kong wala pa kaming closure. We need closure for the new beginning. Pagdating ko sa bahay dumiritso ako sa bahay ni Aina. Na sana hindi ko na lang ginawa. Dahil nakita ko kung paano sila nag harutan ni Ethan no'ng araw na 'yon. Parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit. At bumabalik lahat ng pain na ginawa niya sa'kin. Bumalik ako ng bahay. Uminom ng uminom hanggang makalimutan ko ang sakit. Mula kay Russel nalaman ko na sa company nina Tyron nag tatrabaho si Aina. Isang hapon, napadaan ako sa labas ng building kung saan siya nag tatrabaho. Nakita ko siyang may hinihintay. Ginamit kong pagkakataon 'yon para makausap siya. Pagtapat ng sasakyan ko sa'kanya. Agad siyang pumasok at mabilis na sinuot ang seatbelt.








Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon