***
♠️Ayame's POV♠️
"Kumusta pag-uusap niyo ni Tyron?" Tanong ni Trevor. Nakahiga na kami ngayon sa kama.
"Sabi niya aayusin niya ang problema nila ni Aina. Dapat ako ang kakausap kay Aina. Pero pinigilan niya ako. Nakiusap na siya na lang daw kakausap sa asawa niya." Sagot ko.
"Hay! Sobrang sakit talaga sa ulo niyang anak mo. Hindi man lang naisip 'yong ginagawa niya kay Aina." Tila galit na sabi ni Trevor.
"Hindi natin masisisi si Tyron. Alam mo namang pilit lang ang pagpapakasal niya kay Aina. I'm sure nahihirapan lang ang anak natin mag-adjust. Masyado pa kasi siyang bata para sa ganitong obligasyon." Paliwanag ko kay Trevor.
"Alam ko naman 'yon Hon. Pero nasa tamang edad na siya para maisip ang tama sa mali." Sabi ni Trevor.
"I'm sure naiisip din ng anak mo 'yan. Hayaan na lang muna natin siya. Tingnan natin kung hanggang saan niya kayang dalhin ang pagiging asawa niya kay Aina. 'Tsaka tayo mag disisyon kung ano ang gagawin." Pagtatapos ko sa usapan.
"Sige. Gawin natin 'yan kapag dumating na sa puntong kakailanganin na natin." Sagot ni Trevor.
Napayakap ako sa'kanya. "Alam mo ang swerte swerte ng mga anak mo sa'yo." Bulong ko sa'kanya.
"Swerte rin naman sila sa'yo ah? May nanay silang astig at reyna na katulad mo." Bulong rin ni Trevor sa'kin.
Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib. "Reyna ka d'yan." Natatawang sabi ko.
"Bakit hindi ba? Isang dating reyna ang asawa at ina ng mga anak ko." Natatawang sabi rin ni Trevor.
"Oo na, dati." Sabi ko.
"Bakit, reyna ka pa rin naman ngayon ah? Reyna ka pa rin ng buhay ko." Malambing na sabi ni Trevor. Pagkatapos hinalikan ako sa noo. "I love you."
"I love you too." At siniil niya ako ng halik sa labi. Hanggang sa nagiging mapusok na ang halik niya. Humiwalay ako sa sa'kanya. "Hon, meron ako ngayon eh." Sabi ko sa may punong tainga niya.
"Sh*t!" He cursed. Natawa naman ako. "Sige mang-asar ka pa." Nakasimangot na sabi niya.
"I love you." Sabi ko.
Pero nakasimangot lang siya habang nakatingin sa'kin.
"I love you." Ulit ko.
"Ugh! Stop it Hon!"
"What?"
"Ugh!" Sambit niya sabay takbo papunta sa banyo. Tawa naman ako ng tawa sa'kanya. I'm sure magmimilagro 'yan sa loob ng banyo.
*
| BAR |
Niyaya ni Tyron mga kaibigan niyang uminom sa bar.
Ivan: Problema mo Tyron?
Tinungga ni Tyron ang isang mug na beer.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Teen FictionHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34