* Two Weeks Later *
Nagkaroon ng emergency ang mag-asawa sa trabaho. Kinailangan nilang pumunta sa America. Kaya walang choice si Tyron kundi sundin ang utos ng mga magulang niya. Inutusan siyang sunduin ang babaeng mapapang-asawa niya sa Samar. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang magawa. Dinetalye ng mommy niya ang impormasyon sa lugar na 'yon. Kaya wala na siya magiging problema. 6:00am bumyahe si Tyron kasama ang personal driver niyang si Mang Lester. Pagdating sa samar may sumundo sa'kanila upang dalhin sila sa lugar nina Aina.
Exact 8:00am nang makarating sila sa mismong bahay ng tiyahin ni Aina. Halos lahat ng makakakita kay Tyron. Napapahinto at napapatingin talaga sa'kanya. Kapansin-pansin kasi ang pagiging maputi at guwapo nito. Idagdag pa na matangkad din siyang lalaki.
"Tao po! Tao po!" Si Mang Lester ang nagtatawag.
"Tch." Naiinip na si Tyron.
Narinig nilang bumukas ang pinto. At lumabas si Misty. Halos hindi makagalaw si Misty nang makita si Tyron.
"H-hi! Pa-p-pasok." Natatarantang sabi nito kay Tyron. Nag diri-diritso naman si Tyron sa loob. Pagkatapos napasalampak sa sofa.
"Ah, i-ikaw b-ba 'yong---"
"Yes, ako nga 'yong lalaking pakakasalan mo." Putol ni Tyron sa sasabihin ni Misty. At kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. Tapos napa-smirk siya. "Not bad." He mumbled.
"Ha?" Takang sabi ni Misty.
"Nothing. I'm hungry." Sagot ni Tyron.
"Ah, gano'n ba? Sandali lang, ipaghahanda kita ng makakakain." Nagmamadaling nagpunta si Misty sa kusina. Mabilis niyang nilapitan si Aina. "Aina, ihanda muna ang kainan. Nandyan na 'yong bisita ko. Bilisan mo at nagugutom na daw siya." Pagalit na sabi ni Misty kay Aina.
Hindi naman nagsalita si Aina. At mabilis na hinanda ang mesa at mga pagkain. Pagkatapos muling lumabas si Misty sa kusina upang kunin ang bisita sa salas. Pagbalik nito kasama na niya sina Tyron at Mang Lester.
"Sige, kumain na kayo." Magiliw na sabi ni Misty. Mabilis namang umupo si Tyron at naghanda para sa pagkain. Isa-isang tinikman ni Tyron ang mga nakahandang pagkain. At lahat 'yon nagustuhan niya. Hindi naman kasi siya pihikan pagdating sa pagkain. 'Yan ang isa sa mga namana niya kay Ayame. Habang kumakain ay naghuhugas naman ng pinggan si Aina. Si Aina na wala pang pahinga simula kagabi. Hindi kasi siya pinatulog ng tiya niya hangga't hindi malinis at maayos ang buong bahay. Idagdag pa na wala rin siyang kain. Kaya medyo nakakaramdam na siya ng hilo. Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata niya. At pakiramdam niya, anumang oras pwede na siyang bumigay. Isang plato na lang ang hinuhugasan niya nang bigla niya 'yong nabitawan. At tuluyang nalaglag sa sahig diritso sa paa niya. Nagulat sina Tyron sa narinig nilang pagkabasag ng plato. Mabilis naman tumayo si Misty at nilapitan si Aina.
"Ano'ng ginawa mo? Bakit mo binasag 'yan?" Tanong ni Misty habang pigil ang galit kay Aina.
"Pasensy na Misty. Nadulas kasi sa kamay ko eh," hinging paumanhin ni Aina.
"Buwisit. Wala ka talagang kwenta." Pabulong at may diing sabi ni Misty.
Hindi naman nila namalayan na nakalapit na pala sa'kanila si Tyron. Nagulat pa si Misty nang makitang lumapit si Tyron kay Aina.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34