KABANATA - 25.

3K 68 1
                                    

Aina Jade's POV












Today is saturday.
At nabo-bored ako ngayon.
Gusto kong lumabas para mamasyal. Ayaw ko na walang ginagawa. Marami kasi akong naiisip. Gusto ko na nga lang mag lunes na para kahit paano may ginagawa ako. Unlike today na sobrang boring talaga. Naisip kong tawagan si Ethan. Pero wala nga pala sa'kin ang phone ko. Bigla akong may naisip na gawin. What if puntahan ko na lang si Tyron para mabawi ang bag ko. Nandoon kasi ang wallet, id at cellphone sa bag na 'yon. Okay lang kahit mawala 'yong phone. Pero 'yong id and wallet na may importanteng laman. Hindi pwedeng hindi maibalik sa'kin.







Mabilis akong bumangon ng higaan. At dumiritso ng banyo para maligo. After kong maligo nag bihis ako ng sleeveless on top and maong short. Pinatuyo ko ang buhok ko at pinuyod 'yon. Pagkatapos naglagay ako ng lip gloss at light make up. Nang maayos ng tingnan ang itsura ko sa salamin. Nag suot ako ng white rubber shoes. At sinukbit ang favorite kong sling bag. Paglabas ko ng room nakasalubong ko si Sally.








"Ma'am, aalis po kayo?" Tanong niya.







"Oo. Pero hindi naman ako magtatagal. May kukunin lang ako." Sagot ko.








"Sige po, ingat po kayo!"








"Salamat. Alis na ako."







Sumakay ako ng taxi papunta sa village kung saan naroon ang bahay nina Tyron. Ang una kong naging tahanan nang mapadpad ako dito sa maynila.
Wala pang ilang minuto nakarating ako sa tapat ng bahay nila. Bumaba ako at inabot ko kay manong ang bayad.








"Salamat po."








Natigilan ako nang makita ang malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Nagbago na ang kulay gray nitong kulay noon. Pinalitan na rin ng bagong style at kulay ang gate nila. Hindi ko lang alam kung pati sa loob marami na ring nagbago. Pitong taon din akong nawala sa bahay na 'to.
Nagbalik ako sa wisyo nang isang malakas na busina ang narinig ko mula sa likuran. Paglingon ko sasakyan ni Tyron. Nakita ko ang biglaang pagbabago ng awra niya. From light to dark mode. Napansin ko rin ang babaeng nakasakay sa pasenger seat. Siya marahil ang kasintahan nito. Mistisa at talaga namang napakaganda niya. Hindi na nakakapagtaka na nagkagusto si Tyron sa'kanya. Bumukas ang gate at pinasok niya ang sasakyan sa loob. Tapos hinintay ko siyang lumabas ulit. At hindi naman ako nabigo dahil salubong ang kilay na lumabas siya.







"What the hell are you doing here?" Pagalit niyang tanong.







"Gusto ko lang sana kunin 'yong bag na naiwan ko sa sasakyan mo." Paliwanag ko.







Gumuhit ang nakakainis niyang ngiti sa labi. "Siguro sinadya mo 'yong iwan para may rason kang pumunta dito. Am I right?"







"Hindi 'yan totoo. Natakot---"







"Of course, idedeny mo. Gano'n ka naman eh, magaling kang magsinungaling. Magaling kang umarte para kunwari convincing. 'Di ba? Tama ako, 'di ba?" Insultong sabi niya.








"Tyron, hindi ako pumunta dito para makipag-away. Nandito ako para bawiin ang mga gamit ko. Nasa bag kasi 'yong id ko sa trabaho. At nando'n din lahat ng mga kailangan ko." Sabi ko na nagpipigil ng inis.







Ngumisi siya. "Right. Nando'n nga pala 'yong atm card mo. Importante sa'yo 'yon kasi do'n bumabagsak ang perang galing sa panlalandi mo."








Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon