**
Kinabukasan, naabutan kong nagbababa ng maleta si Tyler.
"Ano 'yan?" Tanong ko sa'kanya.
"Maleta." Sagot naman niya.
"Alam ko maleta 'yan. Para saan? Bakit may dala kang maleta? Hindi ako na-inform na maleta na pala ang dinadala sa school ngayon at hindi na bag." Seryosong sabi ko.
Napakamot siya ng ulo. "Si Ate Aina na lang tanungin mo kuya." Sabi niya.
Ano daw? Si Aina?
"Bakit si Aina pa? Eh, ikaw na yung nandito. 'Saka bakit nga si Aina ang tatanungin ko? Ano kinalaman niya dito?" Sunud-sunod kong tanong. At halata kong naiirita na siya sa'kin. "Tyler."
"Basta si Ate Aina na lang tanungin mo. Mala-late na ako sa school. Ihahatid ko pa 'to sa bago kong tirahan." Sabi niya bago hinila palabas ang maleta.
"Tyler!" Tawag ko sa'kanya.
"Tyron, hayaan mo na siya." Boses yun ni Aina. Agad ko naman siyang nilingon.
"Ano'ng ibig sabihin ng batang yun?" Tanong ko sa'kanya.
"Nakiusap siya sa'kin na siya na lang muna tumira sa bahay ko malapit sa school. Palagi daw kasi siyang nala-late sa umaga." Paliwanag ni Aina.
"Ganun ba? Bakit hindi nagsabi sa'kin?" Tanong ko ulit.
"Magsasabi nga sana siya sa'yo. Kaso 'di ba nga busy ka nitong mga nakaraang araw. So, ako na lang kinausap niya. Tapos ako na lang rin daw bahala magsabi sa'yo." Paliwanag ulit niya.
"Okay."
"Okay na ba? Pwede na ba tayong umalis?" Tanong niya.
Tumango-tango naman ako at inalalayan ko siya papunta sa garahe.
[T.A FOOD CORP. BLDG]
Sabay kaming pumasok sa opisina ko. Sa opisina ko na rin nilagay desk niya. Hindi na ako papayag na api-apihin ulit siya sa sarili kong kumpanya. Kaya naisip kong ilipat na lang siya ng puwesto sa mismong office ko. Para mabantayan ko rin siya ng maayos. Going four months na ang baby namin. Kaya kailangan maalagaan siya ng mabuti. Ayaw ko na nga sana siyang papasukin sa trabaho. Kaso siya itong mapilit. Nakikipagtalo pa sa'kin. Sabi ng doctor bawal ma-stress ang buntis. Kaya iniiwasan kong ma-stress siya dahil sa'kin. Hangga't maaari sinusunod ko anuman gustuhin niya. Maliban syempre sa mga bagay na makakasama sa'kanila ni baby.
"Tyron, gusto ko mangga." Sabi niya na ikinatingin ko sa'kanya.
"Wife, marami akong ginagawa ngayon eh. Pwede mamaya na lang muna yang mangga mo?" Pakiusap ko sa'kanya. Marami kasi akong kailangan i-review at pirmahan.
"Gusto ko ngayon na eh," nakangusong sabi niya.
I took a deep breath. Tapos tinawagan ko sa intercom si Shiela. Agad namang pumasok si Shiela sa opisina ko.
"Sorry kung naistorbo kita. Pwede ka bang bumili ng mangga?" Sabi ko.
"Mangga po?" Nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Novela JuvenilHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34