*
Kinabukasan, napansin ni Tyron ang hindi komportableng paglalakad ni Aina. Tapos napapangiwi ito kapag napapahawak sa tuhod niya. Nilapitan agad ni Tyron si Aina at inangat ang palda nito. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang namamaga nitong sugat sa tuhod.
"Anong nangyari d'yan?" Tanong ni Tyron kay Aina.
"Nadapa ako kahapon." Mabilis namang sagot ni Aina sa'kanya.
"Tch." Hinila niya si Aina paupo sa sofa. "Dito ka lang babalik agad ako." Sabi niya sabay alis. Pagbalik niya bitbit na ang medicine kit. "Bakit hindi mo pinagamot sa clinic kahapon? Tingnan mo namamaga na tuloy. Baka nga may nana na 'to eh. Kagabi bakit hindi mo binanggit sa'kin na may sugat ka. Tsk!" Sermon ni Tyron kay Aina.
"Nakalimutan ko okay? 'Tsaka hindi naman kasi masakit 'yan kahapon. Kaninang umaga ko lang naramdaman na masakit." Pangangatwiran pa ni Aina.
"Stupid!" Sigaw ni Tyron. "Kahit hindi 'yan masakit. Dapat pinagamot mo pa rin. Paano kung magka-infection 'yan. Minsan paganahin mo naman utak mo Aina." Singhal niya kay Aina. Nag-iinit naman ulo ni Aina dahil pakiramdam niya para siyang batang sinisermunan lang nito.
"Stupid agad? Sobra ka naman makapagsalita." Hinili ni Aina ang paa niya. "Ako na gagawa nito. Baka mamaya maging utang na loob ko pa sa'yo." Sabay kuha niya sa bulak at betadine sa kamay ni Tyron. "Alis na! Ang aga-aga sermon agad. Psh!" Nakangusong sabi niya pa habang dinadampian ng bulak ang sugat niya.
Tapos nagulat siya ng agawin muli ni Tyron ang bulak at betadine sa'kanya. "Ako na, hindi ka naman marunong." Sabi ni Tyron 'tsaka pinagpatuloy ang ginagawa kanina. After linisin ni Tyron ang sugat. Nilagyan niya ito ng bandage. "Ayan, mamaya after natin sa school pupunta tayo ng ospital. Nang maresitahan ka ng gamot para maiwasan ang infection." Sabi ni Tyron bago niligpit ang medicine kit.
"Ospital agad? OA mo naman masyado. Parang kapirasong sugat lang 'to ah?" Reklamo ni Aina.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Tyron. "Ako ang lalaki, kaya ako ang masusunod." May diing sabi nito bago binalik ang medicine kit sa pinagkuhaan niya. Pagbalik nito inalalayan si Aina hanggang sa parking area. Inalalayan rin siya nito sa pagsakay.
"Ang oa na masyado ah." Bulong ni Aina pero umabot 'yon sa pandinig ni Tyron.
"Huwag ka masyadong mareklamo." Inis na sabi ni Tyron.
Nanahimik na lang si Aina. At bumyahe sila ng tahimik papunta sa skwelahan.
Pagdating sa school hindi na nagpaalalay si Aina sa pagbaba. Inunahan na niya si Tyron.
"Sige na, kaya ko na 'to." Sabi ni Aina kay Tyron.
"Are you sure? Pwede naman kita samahan sa room niyo." Suhestyon ni Tyron. Pero naisip ni Aina 'yong sasabihin ng mga studyante kapag nakita silang magkasama. Lalong-lalo na no'ng apat na bruhilda.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Roman pour AdolescentsHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34