KABANATA - 41.

3.1K 74 5
                                    

Tyron's POV






Ten o'clock na ng gabi pero wala pa rin siya. Halos maubos ko na rin ang beer sa ref. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maubos maisip kung bakit siya nag sinungaling sa'kin. Hindi naman ako magagalit kung kasama niya kumain sa labas ang lalaking 'yon. Kasi wala pa naman akong karapatan magalit. Kahit gustong-gusto ko silang sugurin kanina. Ang sakit. Ang sakit sakit na nag sinungaling sa'yo 'yong mahal mo.





*FLASHBACK*





Malapit na ako sa Suarez Company Building nang mag vibrate ang cellphone ko. Na-excite ako nang makita ang pangalan ni Aina sa screen ng cellphone ko. Sakto red light kaya binabasa ko muna.





<-----

Tyron, 'wag muna ako sunduin ngayon. May lakad kaming magkakaibigan. Ingat ka pauwi! *kiss emoji*

\_MyWife<3_/





Napangiti ako dahil sa kiss emoji niya. Hindi niya nakakalimutan iyon everytime magtetext siya sa'kin. It melts my heart away.





----->

Sama ako ^_^

\_Sent_/





-





<-----

Wag na puro kami babae. Baka ma-op ka lang sa'min. Umuwi ka na lang sa bahay at magpahinga ka.

\_MyWife<3_/





Medyo nalungkot ako sa text niyang 'yon.





----->

Sige, mag-iingat kayo! I love you! Text me if kailangan niyo ng bodyguard. *laugh emoji*

\_Sent_/





Hindi na siya nag reply. Sakto nag green light na rin. Kahit sinabi niyang hindi ko na siya sunduin. Pumunta pa rin ako sa building nila. Sakto pagtapat ko sa building ng Suarez Company nakita kong palabas si Aina. Pero wala siya kasamang mga babae. Kundi sinalubong siya ni...Dwane. Parang dinurog ang puso nang makitang nakangiti pa siya dito. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Sumakay sila sa sasakyan ni Dwane at sinundan ko ng tingin iyong umalis. Napahampas ako ng maraming beses sa manibela. Parang sinasaksak ng paulit-ulit yung puso ko.





"Bakit? Bakit ka nag sinungaling sa'kin, Aina?" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. "Sh1t! Sh1t! Fvck sh1t!" Paulit-ulit kong mura habang umiiyak.





Ilang minuto rin akong tulala. Hanggang sa maisipan ko nang umuwi. Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng beer in can. Pagkatapos 'tsaka ako umuwi sa bahay. Pagkaparada ko ng sasakyan. Dumiritso ako sa kusina para ilagay sa fridge ang mga binili ko.





"Oh, kuya? Bakit ang dami niyan?" Puna ni Tyler sa mga beer na pinapasok ko sa fridge.





"Pampalamig ng ulo." Sagot ko.





"Why? What happened?" He confusedly asked.





Hindi ko siya sinagot. Lumabas ako ng kusina at umakyat sa taas para mag bihis ng damit. Pagbaba ko hinihintay ako ni Tyler.





Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon