KABANATA - 44.

3.2K 67 2
                                    

❣️Aina Jade's POV❣️



Halos mag dadalawang linggo na after ng insidente sa pagawaan. Pero hindi pa rin nareresolba ang problema nila. Nakikita kong stress na stress na si Tyron. Wala naman akong magawa para matulungan siya. Malaking halaga ang nawala dahil sa nangyari. At maraming naghahabol na dealers at investors dahil dito. Nung birthday niya hindi na namin ito nai-celebrate. Nabati ko naman siya at nabigyan ng regalo. Pero natulog din agad siya no'n. Sobrang napagod daw siya buong maghapon. At sa mga nakalipas na araw, hindi na rin kami masyadong nagkakausap. Sa umaga, mas nauuna siyang pumasok kaysa sa'kin. Pagdating naman sa kompanya hindi rin kami halos nagkikita dahil nasa pagawaan siya. Kung hindi naman sa pagawaan busy sa meeting with investors and dealers. Sa hapon, hindi rin kami nagkakasabay umuwi. Sa gabi, tulog na ako kapag dumarating siya. Bihira lang iyong umuwi siya na gising pa ako dahil hinihintay ko talaga siya no'n. Akala ko kapag bumalik kami sa dati magiging masaya na kami ng tuluyan. Pero heto at sinusubok na naman kami ng malaking problema.



Araw ngayon ng sabado pero wala siya. I'm sure sa pagawaan siya pumunta. Bumangon na ako at naligo. After maligo at magbihis bumaba ako ng bahay para kumain ng almusal. Naabutan ko si Tyler na kumakain doon.



"Good morning!" Bati ko sa'kanya.



"Good morning Ate Aina!" Bati naman niya habang ngumunguya. "Si Kuya?" Tanong niya.



"Maagang umalis kuya mo." Sagot ko.



"Hindi pa rin ba naaayos ang problema?" Nag-aalalang tanong niya.



"Oo. Rinig ko kahapon mas lumala pa ang problema nila." Sagot ko.



"I see." Aniya.



Namayani ang katahimikan. Maya-maya tumayo na siya.




"Tapos ka na?" Tanong ko.



"Yes. May importante akong lakad ngayon. Bye Ate!" Paalam niya bago nagmamadaling lumabas ng kusina. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Napapansin kong madalas ding wala sa bahay si Tyler. Saan kaya nagpupunta ang batang iyon?



I shook my head tapos nag focus na lang sa pagkain ng almusal. After ko kumain bumalik ako sa room namin. Sumandal ako sa headboard ng higaan. Maya-maya narinig kong nag vibrate cellphone ko.



<-----

Hi Aina! Kumusta ka na? Miss na miss ka na naming tatlo *sad emoji*

\_Darlyn_/



Napangiti ako matapos basahin ang mensahe niya.



----->

Heto okay naman ako. Miss ko na rin kayo.

\_Sent_/



-




<-----

Free ka ba today? Nagyaya kasing mag mall itong si Hazel. Sabi ask daw kita kung pwede ka? Kung pwede ka lang naman *smile emoji*

\_Darlyn_/



Bigla akong napaisip. Why not? Wala naman siguro masama kung sumama ako sa'kanila. Tutal wala naman ngayon dito si Tyron. Lilibangin ko na lang muna sarili ko.



----->

Oo, free ako ngayon. Anong oras ba?

\_Sent_/



Secretly Married With Tyron Hunt (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon