*
Kinabukasan, bumyahe ako papunta sa bahay nina Tyron. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong sabihin sa'kanya ang lahat. After nito nasa kanya na kung paano niya ako mapapatawad. Ang importante masabi ko sa'kanya ang totoo. Karapatan din niyang malaman kung bakit ko siya nagawang saktan. At ito na rin marahil ang oras para gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Pagtapat sa bahay nila nakaramdam ako ng kaba. Pero nag relax ako at huminga ng malalim. Bago ko pinindot ang door bell. Maya-maya bumukas ang gate at bumungad ang isang katulong.
"Yes, ano pong kailangan nila?" Tanong nito.
"Nandyan ba si Tyron? Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ko.
"Sino po sila?" Tanong niya.
"Aina." Matipid kong sagot.
"Sige po sabihin ko po muna kay Sir Tyron." Aniya bago pumasok sa loob. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik ang katulong.
"Sorry Miss, pero hindi daw po niya kayo kilala." Aniya na ikinagulat ko.
"Pakisabi---"
"Ate Aina?" Sabay kaming napatingin sa likuran ko nang marinig ang tinig na 'yon. Isang lalaki ang naroon. Bumaba siya sa motor niya at hinubad ang helmet na suot. Nginitian niya ako at masayang lumapit. "Hi Ate!" Masayang bati niya.
Nangunot noo ko. "Tyler?"
Lalong lumapad ang ngiti niya. "The one and only." Sabi niya sabay yakap sa'kin. "Namiss kita sobra Ate Aina." Aniya habang nakayakap. Gosh! Nakakagulat talaga ang laki ng pinagbago niya. Mas matangkad na siya sa akin ngayon. Tapos sobrang guwapo. "Halika sa loob tayo." Paanyaya niya sabay hila sa'kin sa loob. Hindi na ako umangal. Mabuti na rin 'to para makausap ko si Tyron.
Pagpasok sa loob hindi na ako nagulat na maraming nabago. Sa labas pa lang nabago na eh, sa loob pa kaya?
"Ate!" Tawag ni Tyler.
"Sorry. Pinabago niyo na pala ang design ng bahay?"
Tumango siya. "Oo. Idea ni kuya ang pagpapabago ng design. Hindi ko na kinontra." Aniya.
Tumango-tango ako. "I see."
Dinala niya ako sa kusina at pinaghanda ng makakakain.
"Salamat."
"You're welcome! Anyway, bakit ka nga pala nandito?" He asked.
"Gusto ko sana makausap kuya mo." Sagot ko.
"Hmmm...that's good. Alam mo, kailangan niyo talaga mag-usap." Sang-ayon niya.
Nawalan ako ng imik. Tapos nagpatuloy sa pagkain.
"Ate Aina, kailangan mo nang bumalik kay kuya. Ayoko kay Yasmin." He said out of the blue.
BINABASA MO ANG
Secretly Married With Tyron Hunt (2)
Ficção AdolescenteHunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34