I'm in a bar right now, drinking and hoping that I can forget my feelings to Niko even just a second. Ngunit, bigo lang ako. Instead of forgetting him, mas lalo ko lang naaalala ang lahat.
How he smiled to his girlfriend.
How he laughed with his girlfriend.
How gentleman he is to his girlfriend.
How possessive he is to his girlfriend.
How protective he is to his girlfriend.
Lahat ng pinapangarap ko kasama siya ay biglang naglaho nang ipakilala niya ang girlfriend niya sa akin kanina. I had my lunch and dinner with them, kasama pa namin ang ibang barkada. Pinanonood ko lang sila, smiling but secretly hurting. Agad na akong nag-paalam sa kanila matapos ang dinner namin, dinahilan ko na pinapauwi na ako ni Daddy pero ang totoo pupunta lang ako dito sa bar.
"Pathetic" Sabi ko sa aking sarili at saka inubos ang alak na nasa baso ko.
Nagsimula na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, secretly asking myself 'Mahirap ba akong mahalin?'. No one dare to love me back. Pangalawa na siyang minahal ko na hindi nasuklian.
"One more please" I said to the bartender smiling widely with some tears on my both cheeks like an idiot.
"Ma'am napaparami na po ang inom niyo, wala po kayong kasama, baka hindi na po kayo makauwi niyan" Sabi naman nito pero kinuha pa din ang baso ko at sinalinan ito.
Napataray na lang ako sa kawalan. Magbabayad naman ako ng tama. Gwapo sana siya kaso pakielamero.
Bigla naman may umupo sa katabing upuan ko at nakipagbatian dito sa bartender. They are laughing at naiinis ako.
"Sige, kayo na ang masaya" I said turning my gaze to them na parehong napatigil sa kanilang pag-uusap at nakatingin pareho sa akin ngayon.
The bartender has an awkward smile habang ang lalake naman sa tabi ko ay nakakunot ang noo.
"Excuse me?" Kunot-noong sabi ng katabi kong lalake
"Ma'am lasing na po ata kayo" Sabi naman ng bartender "Tatawag na lang po ako ng taxi para sa inyo"
Agad naman na tumaas ang kilay ko.
"Alam mo gwapo ka sana, pakielamero ka lang. Can you please mind your own business?" Pagtataray ko saka muling uminom sa aking baso.
I heard the man beside me laughed sarcastically. Agad ko naman itong nilingon at tinaasan ng kilay. My eyes is kind of blurry but I can still see the features of his face. He looks familiar.
"Mind his own business huh?" he asked like what I said is a big joke.
Unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko. I continued to examine his face. He's really familiar, thanks to my blurry eyes I can see him well.
"Sino kaya ang biglang nakisingit sa usapan ng may usapan?" He asked like it's a question from oral recitation in his class and stared at me waiting for my answer para maibagsak niya na ako dahil alam niyang hindi ko iyon masasagot.
Lalong mas bumilis ang tibok ng puso ko. What's wrong with my heart?
Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya at tinuon ito sa baso ko na may laman pang kalahati ng alak. Nababaliw na ata ako.
"You're crying. You broke up with your boyfriend?" Maya-maya ay tanong ng katabi ko nang umalis na ang bartender para mag-serve sa iba pang customer.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mata. I'm trying to see him clearly pero bigo ako dahil mas lalo pang nag-tubig ang mga mata ko.
"I don't have a boyfriend. I never had" Kalmadong sagot ko at saka kinagat ang aking pang-ibabang labi trying to stop my tears.
Wala akong naging boyfriend dahil lahat ay bigo. Dalawa lang ang minahal ko at pareho nilang hindi naibalik sa akin iyon. Parehong nagkaroon ng girlfriend.
"Then what brings you here?" Tanong pa nito
Sinulyapan ko siya pero wala sa akin ang tingin niya kung hindi sa kaibigan niya na ngayon ay may inaasikasong isang customer din na lalake.
"Kailangan ba pagnasaktan may label? Can I just be hurt because I can't have the love that I want?" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.
"I got it" Sabi naman nito at nilingon ako.
Yumuko naman ako nagsimula nang umiyak. I cried silently pero may mga ilang hikbi pa din ang nakakawala sa akin na ingay.
"You're asking for someone's love again, Yona" He said that made me look to him
"K-kilala mo a-ako?" Tanong ko habang may hikbi pa din na kumakawala.
"Kakausapin ba kita kung hindi?" He said with a shrugged
"I thought, you're just flirting with me. S-sino ka?" I asked dahilan para mapangiwi siya.
Pinaningkit ko pa ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko pero bigo talaga ako, may part na lilinaw at lalabo naman sa iba. I can't see his face clearly, dulot ng mga luha ko at nahihilo na din ako dahil sa dami ng nainom ko.
"Did you really forgot me? Or you're just acting?" Medyo naiinis niyang tanong sa akin.
Sino ba siya? Sino ba ang lalaking kausap ko ngayon?
"Bakit naman ako aarte?" Pagtataray ko at saka iinumin na sana ang natitirang alak sa baso ko nang magsalita ulit siya
"Rash Haizon Larama. Don't tell me nakalimutan mo na din ang pangalan ko" He said
Nabitin ang pag-inom ko sana ng alak at napatingin sa kaniya. Sa pagkakataong ito hindi ko na makita ang itsura niya, punong-puno na ng luha ang mga mata ko. Bakit parang biglang bumalik yung sakit ng nakaraan?
Inubos ko na ang lamang alak ng baso ko at saka nag-iwan ng pera sa table ko bayad sa mga nainom ko. I don't care kung malaki man ang naiwan kong pera o kung may malaki pa akong sukli, ang importante sa akin ay makaalis na dito sa bar.
Nanakbo ako palabas ng bar ngunit bago pa ako maka-para ng taxi ay agad na may humawak sa kanang braso ko.
"Bakit ka tumakbo?" He asked
Hindi ako sumagot at hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko sa harapan niya. Ulit.
"You're crying again in front of me" Nang akmang pupunasan niya sana ang pisngi ko na basang-basa na ay agad akong humakbang paatras.
"Just leave me like what you did years ago. Don't wipe my tears, that's what you want Rash" May diin na sabi ko
Tumalikod na ako at muling napatigil dahil sa mga binitawan niyang salita.
"I want you to be my girlfriend Yona"
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...