"Pinuntahan kita kanina sa girls restroom wala ka" Salubong sa akin ni Francis
Agad niyang hinawakan ang aking bewang. Agad naman akong kinabahan. Naalala ko ang pagbabanta sa akin ni Rash kanina. Ayoko ng gulo.
"I'm there" Sabi ko at saka pasimpleng kunwari ay nanguna at kumuha ng wine sa waiter para matanggal ang kaniyang hawak sa aking bewang
Mabilis akong umupo sa isang high chair na bandang nasa dulo. Agad niya naman akong sinundan at umupo sa tabi ko.
Maya-maya ay pinatong niya ang hinubad niyang coat sa binti ko.
"Too short" Seryosong sabi naman nito "Tinitingnan ako ng masama ng bampira"
Agad naman ang pagkabog ng dibdib ko. I'm not sure if he's talking about Rash o kasabihan ang sinasabi niya. Hindi ko alam.
The party went well. Nanatili lang kami sa dulo at nakaupo sa high chair ni Francis. Saglit lang kaming umalis dito nang batiin namin si Abi.
"Let's go? Saan ka pala tutuloy? Malayo pa ang byahe mo" Sabi ko naman nang makaramdam na ng antok
"May condo naman ako dito. Ihahatid na kita. Tara na, halata na ang antok at pagod sayong mata" Sabi nito saka hinipan ang aking mata kaya napapikit-pikit ako
Nang umayos ang paningin ko ay agad kong natanaw si Rash mula sa malayo. Ramdam ko ang titig nito sa akin.
Agad na akong tumayo at sumunod naman si Francis. Pumunta muna kami kina Abi at saka nagpaalam.
"Kawawang bampira" Naiiling na sabi ni Francis nang makapasok na kami sa kaniyang sasakyan
I want to ask him if he's talking about Rash or it's just an expression or whatsoever, pero alam kong hindi dapat dahil kailangan kong ipakita na hindi na ako naaapektuhan pa kay Rash.
Mabilis lang ang naging byahe at nakarating agad kami sa tapat ng gate namin. Nang makababa na ako sa sasakyan niya ay ngumiti ako saka nagpasalamat sa kaniya. He did what he used to do back then, he kissed my nose.
Nang makaalis na si Francis ay agad naman na may sumunod na pumaradang sasakyan. Agad naman akong napangiwi.
"You're so stubborn my angel" Sabi nito nang makababa ng kaniyang sasakyan
Tinarayan ko lang siya at tumalikod na sa kaniya ngunit agad din akong napahinto sa binabalak kong pag-alis ng marinig ang binitawan niyang salita.
"If I can't get you in a fair way, I'll use my power. See you tomorrow baby" Hindi ko na siya nilingon pa at mabilis na pumasok na sa gate namin.
Nababaliw na ba siya? Bakit gustong-gusto niya akong kunin eh may girlfriend na naman siya? Wala ba siya ibang babae na pwede niyang magamit? Hindi ba pwede si Tanya na iharap sa Lola niya? Bakit ba ayaw niya akong tigilan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya nagawa ko pa na magluto ng almusal ko. Nang matapos naman ay mabilis na akong nagbihis. Nagsuot ako ng simpleng blouse at pantalon. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko, gaya ng aking nakasanayan. I even put light make up. Nang makontento na ako at komportable na sa ayos ko ay umalis na ako ng bahay.
I thought Rash will be there outside waiting for me, pero wala akong nakita kahit na ang anino niya.
Para naman akong nawalan ng gana but I did not let myself to get disappointed, dapat ay natutuwa ako.
Nang makapasok ako sa aking office ay ganun na lamang ang gulat ko nang makita na malinis at nakaligpit na ang table ko.
"Dea?" I asked nang makita si Dea na nagliligpit na din ng gamit niya
What happened?
"Don't worry may trabaho pa tayo. Lilipat nga lang" She said and look at Jake who's busy fixing his things
"Saan naman?" Tanong ko at kukunin ko na sana ang gamit ko na nasa kahon ng may isang lalaking pumasok at nanguna sa pagkuha nito
Nangunot ang noo ko nang makita ang suot na uniporme nito.
"Anong ginagawa niyo?" I asked
"Ma'am pinag-utos po ni Sir na tulungan namin kayo sa paglilipat. Lalo na po kayo Ma'am Yona" Sagot naman ng lalake na nakasuot ng uniporme sa kompanya ni Rash
"What's the meaning of this Dea? Jake?" I asked them
Sabay-sabay lang sila na nag-iwas ng tingin sa akin.
Bigla ko naman naalala ang sinabi sa akin ni Rash kagabi. He will use his power.
Agad kong kinuha ang aking cell phone at tinawagan ang number ni Rash.
"What?" He asked na may irita ang tono kaya lalo naman akong nnainis
"Nababaliw ka na ba?" Tanong ko naman pabalik sa kaniya
"Yes" Maikling sagot nito
"Huwag mo ako idamay sa kabaliwan mo" May diin na sabi ko naman "Itigil mo ang plano mo"
"I won't stop hanggang makuha ulit kita Yona" He said "Malapit na matapos baby, I'll explain to you everything-" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay binabaan ko na siya ng tawag
Explain? Another lie? Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan?
Nang makarating na kami sa naka-assigned na office sa amin ay padabog akong pumasok dito at naupo sa unang upuan na makita ko.
"Ma'am" Maingat na tawag sa akin ng isang staff
Nilingon ko ito at tinitigan ng masama. Subukan niya lang magsabi ng ikakagalit ko, kahit hindi ako dragon bubuga talaga ako ng apoy dito.
Kumamot ito sa dulo ng kaniyang kanang kilay na parang nagdadalawang isip siya kung itutuloy niya ba ang kaniyang sasabihin.
"What?" Inis na tanong ko
Lumapit sa akin si Dea. Nilingon ko naman si Jake na nakaupo na ngayon at nag-aayos ng gamit sa napili niyang lamesa. Nilibot ko pa ang opisina at saka lang pumasok sa isip ko na ang opisina na ito ay para sa dalawang tao lamang.
"Ma'am-" Hindi ko na pinatapos magsalita ang staff at padabog na tumayo.
Mabilis akong naglakad habang habol ko ang aking hininga dahil sa galit. Pinaglalaruan niya ba talaga ako? Hindi pa ba sapat ang nakaraan? Kulang pa yung sakit? Kasi potek, kung sasaktan niya pa ako baka mamanhid na ako.
Dahil alam ko naman ang opisina ay mabilis akong kumilos at nang sasakay na sana ako ng elevator ay mabilis akong nahabol ng isang staff.
"What?" Inis ko siyang binalingan
"Ma'am bilin po kasi ni Sir na huwag muna kayo papaakyatin sa office niyo" Nakatungong sabi nito
Agad naman na nag-alab ang inis na nararamdaman ko.
"Niyo? So doon nga ako sa office niya?" Pilit kinakalma ang sarili na tanong ko
"Opo. Doon po muna kayo pinadala sa dalawang kasamahan niyo po dahil may biglaan pong importanteng ka-meeting si Sir" Pagpapaliwanag pa nito
Nang bumukas ang elevator ay agad na akong sumakay. I don't care kung ang Presidente pa ang ka-meeting niya. Natulala lang ang staff sa akin na parang pinoproseso kung anong gagawin hanggang sa wala siyang nagawa at nagsara na ang elevator.
Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay hindi din ako agad na nakalabas dahil sa nasaksihan. Agad na tumulo ang aking mga luha. Ayan Yona, pasaway ka kasi.
Habang nakatalikod si Rash ay yakap siya ng isang babae na mula sa kaniyang likuran. Nakatayo lang siya, walang imik at hindi tinatanggal ang yakap ng babae.
"Tanya, mahal kita." Bago ko marinig ang lahat ng sasabihin ni Rash ay nagsara na ang pintuan ng elevator
Napaupo na lang ako sa loob ng elevator at saka umiyak ng umiyak.
Masaya ka na ba Rash? Nasaktan mo ulit ako.
~●~●~●~●~●~
Sorry for the late update. Thank you for supporting my story❤ Lovelots.
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...