Chap13

336 14 0
                                    

Nang makarating na kami sa bahay nila ay tinulungan din ako ng driver na akayin si Rash hanggang sa labas ng pinto nila. Pinaupo na muna namin si Rash sa hagdan papasok sa pinto nila. Nagpasalamat naman ako sa driver. Buti na lang at mabait ang driver.

"Ma'am patawarin niyo na yan mukha namang sincere. Halata ang sobrang sakit sa itsura niya" Sabi naman ng driver na nginitian ko lang

Umalis na ang driver.

"Nag-away ba kayo ni Tanya?" Tanong ko naman sa lalaking ito na natutulog sa hagdan

"Yona" He whispered

Napangiwi na lang ako. Kanina niya pa ako tinatawag.

Tinitigan ko lang siya. Kahit lasing siya ang gwapo niya talaga. Bahagya kong inayos ang magulo niyang buhok. Napatigil ako nang dumilat ang kaniyang mga mata at saka ngumisi sa akin. Iniwas ko naman ang paningin ko sa kaniya. Ngunit hinawakan niya ako sa aking baba at pinatingin sa kaniya. He captured my lips.

Nakadilat lang ako dahil hindi pa din ako makapaniwala na hinahalikan ako ngayon ni Rash. Bahagya nang gumalaw ang mga labi niya kaya napapikit na din ako.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Ngumiti naman siya sa akin at wala pang isang minuto ay muli niyang inangkin ang labi ko. He's kissing me. Hindi ako makapaniwala.

Sumabay na lang ako sa paggalaw ng labi niya. I don't care kung mali o tama pa ba ang ginagawa ko. All I know is gusto ko ito.

Nang muling maghiwalay ang labi namin ay agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon