Chap18

322 11 0
                                    

It's Friday today at shooting ngayon ng magaling na unggoy. Dati favorite ko ang Friday dahil pahinga ko na, buong araw ako masaya pero ngayon? Makakasabunot ata ako ng mga mahaharot na babae. Bad trip.

"Change outfit!" Sigaw ng director

Agad ko naman na sinulubong si Rash kaya hindi na nakalapit pa ang mga babaeng mahaharot sa kaniya. Hawak ko ang polong suot niya kanina papunta at agad ko itong itinakip sa tiyan niya. Oo na may abs kang unggoy ka! Hindi mo kailangan ipalandakan!

"Are you mad?" Malambing na tanong nito sa akin

Hindi ko siya sinagot dahil naiinis ako sa kaniya. Bakit kailangan topless siya na kukuhanan? Kung hindi ko pa inaway ang director kanina siguro boxer lang suot nito ngayon.

Tiningnan ko ang director at sinamaan ng tingin. Bakla ata ang lalaking iyon at gustong-gusto na boxer lang ang suot ni Rash.

"Baby" Malambing na tawag sa akin ni Rash

"Haizon magpalit ka na" Sabi naman ng isang camera man na lumapit sa amin

"Sean, sabihin mo kay Direct 5 minutes lang. Lalambingin ko lang ito" Sagot naman ni Rash sa lalaki

"Sige po" Sabi naman ng camera man at umalis na

Kating-kati na ako umalis dito sa lugar na ito. Ang dami kasing makakati na babae eh.

Tiningnan ko isa-isa ang mga babae na pinagnanasaan si Rash at tinaasan ko sila lahat ng kilay. Mga mahaharot.

"Baby" Tawag sa akin ni Rash

Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala niya madadaan niya ako sa malambing na boses niya?

"Magpalit ka na nang matapos na!" Naiinis na sabi ko sa kaniya at tinarayan siya

"Baby naman, may suot na nga akong pants oh. Naiba na nga ang theme" Sabi pa nito at bahagyang nilayo ang sarili niya sa akin para ipakita na may suot siyang pants

Hinabol naman ng kamay ko ang tiyan niya para takpan ang mga bukol dito. Nakakainis. Napataray na lang ako dahil nagsinghapan ang mga babae.

"Kaya ka pala mayaman Rash kasi porn star ka!" Naiinis na sabi ko

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ang baywang ko. Ramdan na ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin. Bwiset talaga ang lalaking ito! May lagnat na ata!

"I'm not. Pero kung para sayo, I love to" Pabulong na sabi nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko

Nakakainis talaga!

"Magpalit ka na" May diin na sabi ko

"I'll wear t-shirt for you. Okay na ba yun?" Sabi nito

Tiningnan ko siya ng masama. Dapat kanina pa Rash! bakit ngayon mo lang iyan naisip?

"Yung topless ako need talaga iyon. Since last na naman itong kukunan baka mapapayag ko na si Direct na magsuot ako ng T-shirt" Paliwanag naman nito

Tinarayan ko na lamang siya. Naiinis ako sa kaniya.

Wala na din itong nagawa nang tawagin na siya ng director. Mabuti naman at napapayag niya ang director na magt-shirt na ngayon.

Napangisi ako nang makita ang disappointment sa mukha ng mga mahaharot na babae. Buti nga sa inyo.

Ilang minuto lang ay natapos na din ang shooting na ito kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nagpaalam muna si Rash sa mga kasamahan niya.

"Hubad pa! Patay ka sa girlfriend mo Haizon!" Rinig ko pang sigaw nang isang lalaki na kasamahan niya

Nilingon ito ni Rash at saka minura. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga ito mula sa likuran namin.

Pinagbuksan ako ni Rash ng pinto ng sasakyan niya at padabog naman akong sumakay dito. Umikot na siya sa kabilang side at sumakay na din.

"Saan mo gusto pumunta? Gutom ka na ba?" Tanong nito sa akin at saka pinaandar na ang ssasakyan

"Bakit mo ako sinama dito?" Tanong ko pabalik sa kaniya

"I told you. Para makaiwas ako sa mga babae. See? Kanina hindi sila nakalapit" Paliwanag pa nito

Tinarayan ko na lamang siya. Nakakainis talaga siya. Nakaiwas na siya sa lagay na yun? Eh mukhang umaabot ung mga paningin ng mahaharot na yun para hawakan siya eh.

"Are you mad? Kanina ka pa nakasimangot at kanina mo pa ako sinisigawan" Inosenteng sabi nito

Hindi ako galit.

Galit na galit.

Unggoy ka talaga.

"I'm sorry hindi ko alam na ayaw mo sa..." Hindi niya na alam ang idudugtong niya kaya napakamot na lang siya sa kaniyang batok

Ano nga ba ang ayaw ko?

"Why are you mad?" Tanong nito nang marealized niya na hindi niya talaga alam ang rason kung bakit ako nagagalit sa kaniya

Bahala siya diyan sa buhay niya. Mapagod siya kakaisip hindi ko sasabihin. Ang manhid niya talaga kahit kailan.

"Are you jealous with those girls?" Tanong nito

Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.

"Hey, ikaw naman ang pinakamaganda sa kanila. Hindi ko nga makuha tumingin sa kanila. My eyes are all yours Yona" Sabi nito dahilan para mag-init ang magkabilang pisngi ko

Agad kong iniwas ang paningin ko. Hindi ako dapat madaan sa ganiyan-ganiyan niya. Galit ako.

"Baby tell me... hindi ako manghuhula" Malambing pa na sabi nito

"Itabi mo" Utos ko sa kaniya

Sa una ay nagdadalawang isip pa siya pero nang panlakihan ko siya ng mata ay sinunod niya din. Itinabi niya ang sasakyan.

"GUSTO MO MALAMAN?! YUNG MGA MAHAHAROT NA BABAE LANG NAMAN AY PINAGPIPIYESTAHAN YANG MGA BUKOL MO SA TIYAN! NAIINIS AKO RASH! KUNG HINDI AKO NAGREKLAMO AT INAWAY YUNG DIREKTOR NIYO AY SIGURADO AKONG PUMAYAG KA NA DIN NA MAG-BOXER LANG! KUNG NATUTUWA KA NA PINAGPIPIYESTAHAN IYANG KATAWAN MO, AKO HINDI! NAIINIS AKO!" Sigaw ko sa kaniya

Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ang reaksyon niya. Kinakagat niya ang kaniyang pangibabang labi at pilit na pinipigilan ang ngiti na gustong kumala sa kaniyang labi.

"At natutuwa ka pa?" Pagtataray ko sa kaniya

"I didn't know that you're so Possessive Yona" Nangingiti na siya sa akin ngayon

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Nakakainis talaga siya.

"Sayong-sayo ako Yona, mula ulo hanggang paa. Sayo lang baby. You can touch it, sila hanggang tingin lang" Nakangiting sabi niya sa akin at saka ako hinalikan sa nakakunot kong noo

Hindi ako nagsalita at diretso lang na nakatingin sa harap. Siya naman ay tumungo at hinuli ang paningin ko na agad ko naman na iniwas.

"Hindi na mauulit baby. Huwag ka na magalit" Pagsuyo pa nito sa akin

"Siguraduhin mo lang! Pag nalaman ko lang ulit na may shooting ka na ganiyan bahala ka na sa buhay mo Rash" May pagbabanta na sabi ko sa kaniya

"Opo boss" Nangingiting sabi naman nito saka pinunasan ang ilong ko "Selosa. Namamawis ang ilong mo"

"Ewan ko sayo" Naiinis na sabi ko sa kaniya at tinuon na ang aking atensyon sa bintana

"Sorry na, baby ko, huwag ka na magtampo, ano mang nagawa ko sana'y patawarin mo" Napalingon ako sa kaniya nang kumanta siya

Bakit nakakatunaw ng puso ang boses niya? Ganun na lang? Nawala na yung inis ko? Kumanta lang ayos na?

Nakatingin siya sa akin ngayon habang may malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Bakit parang gustong-gusto niya ang nangyayari ngayon? Nakakaasar talaga siya.

"Ice cream" Sabi ko na lang at saka binalik ang atensyon sa bintana

"Okay. Ice cream para lumamig ang ulo ng baby ko" Sabi nito at saka pinaandar na muli ang kaniyang sasakyan

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon